friends with benifits10

983 6 4
                                    

Ang sarap sarap po sa puso ang makitang araw araw ay nagkakaroon ka ng followers. Hindi po ako mahilig humiling na ifollow ako or ivote ang story ko ang importante kasi sa akin is to give a chapter worth reading. RhonnhalhynnNylanor thanks for being a fan. Thanks guys for the undying support.

Some scenes are harsh and maybe not suitable for reading if your not open minded.

___________________________________________________________________________________

Chapter 10

Kath POV

Hindi ko naman sinisisi si Juan Carlo kung bakit bumalik na naman ang sakit na pilit kong kinakalimutan sa halos limang taon. Kahit ganoon na katagal magmula noong mawala si luis ay hindi pa rin ako nakakalimot. Ang alam ng karamihan ay okay na ako, na tuluyan ko nang kinalimutan ang lahat. Pero nagkamali sila dahil kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Kapag nababanggit ang pangalan ni luis ay naaalala ko ang mga masasayang araw naming dalawa at ang sakit ng mamamatay siya.

Pinahid ko ang luhang dumadalo sa aking mga pisngi. Ayaw ko nang umiyak kasi para sa akin kahinaan ang umiyak. Ayaw kong makita nilang mahina ako. Ayaw kong mangyari ulit iyon, nang dahil sa aking kahinaan ay namatay ang aking pinakamamahal. Nang dahil sa akin namatay si luis. Oo sinisisi ko ang aking sarili kung bakit siya namatay. Kung hindi sana ako pinanghinaan ng loob noon sana nakahingi ako ng tulong. Baka buhay pa sana si luis. Baka kasal na kami ngayon.

Nakadapa pa rin ako sa aking kama at tsaka bumuntong hininga. Naalala ko si jaycee, alam ko nasaktan siya sa pinakita ko sa kanya kanina pero anong magagawa nakaramdam ako ulit ang sakit. Hindi nya deserve yun dahil malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi sa kanya hindi ako tatawang muli. Naalala ko ang labas namin kanina. Its a nice feeling to take a relax sometimes. Napangiti ako, hihingi ako ng sorry sa kanya bukas. Dahil na rin siguro sa pag iyak ko at pag-iisip kaya hindi ko namalayang napapikit na pala ako at maya maya ay nakatulog na.

_____________________________________________________________________________

Kathleen's Dream

Nagising akong masakit ang ulo ko at nasa magandang higaan ako. Alam kong hindi ito ang hotel namin ni luis. Tumayo ako, arggg ang sakit ng ulo ko. Hindi ko matandaan kung nakailang beer ako kagabi. Hinanap ko sa paligid si luis pero wala akong makita.

"bebz where are you?" sigaw ko pero wala pa ring sumasagot. Pumasok ako sa banyo pero wala siya doon. Naghilamos muna ako para mahimasmasan. Napansin ko iba na ang damit na suot suot ko. Hindi ko din matandaan na may ganitong damit si luis. Nagkibot balikat ako baka bago kaya di ko matandaan. Palabas na ako ng banyo ng bumukas ang pintuan ng kwarto. Pero imbes na si luis ang iniluwal ay ibang tao.

"Ahhhhhhhhhhhhhh sino ka? Asan si luis? Bakit ka andito sa kwarto  namin?"

"Shhhhhhhhhhh miss beautiful, relax. Wala ka sa hotel nasa bahay ko ikaw". Tinignan ko siya at naalala ko ang lahat. Si jeric, ang apat nyang kasamahan at si luis. My god si luis, ang aking si luis. Patay na ang aking pinakamamahal. Naalala ko binaril siya sa aking harapan. Walang awa siyang pinatay. Naririnig ko pa ang boses nya, ang pagmamakaawa nyang tumakbo ako't huwag lumingon.

"Langhiya ka, asan si luis? Anong ginawa mo sa kanya." histericang pagsisigaw ko. Nakita kong gumalaw siya at lumapit sa akin. Pinagsusuntok ko siya pero lahat iyon nasangga nya. Nagsisigaw ako hanggang mapaos pero tumawa lang siya.

"Beautiful kahit anong gawin mo walang makakarinig sayo nasa private beach resort ka. Nasa pag mamay ari kong paraiso ka." Tumakbo ako pero noong nasa pintuan ako nahawakan pa rin nya ako at hinila pabalik malapit sa kama. Sinampal nya ako ng paulit ulit.

"Beautiful kala mo ganun na lang kadaling tumakas sa akin?" (with an evil laugh) sabay haplos sa aking mga braso papunta sa aking bewang. Hinapit nya ako papalapit sa kanya tsaka hinalikan ang aking pisngi at tinanggal ang luha na dumadaloy dito sa pamamagitan ng kanyang dila. Diring diri ako pero wala akong magawa. Nagsisigaw ako at humihingi ng awa na, hinihiling na ihinto na niya pero wala siyang naririnig.

Nagising ako nagsisigaw. Napaniginipan ko na naman siya. Sa limang taon may mga araw na dinadalaw pa rin ako ng mga bangungot ng nakaraan. Pinapaalala ang masakit na sinapit ko sa kamay ni jeric. Itinaas ko ang aking mga tuhod at pinatong ko ang aking ulo sa pagitan nito. Umiiyak na naman ako. Bakit ba hindi ako tantanan ng mga panaginip na iyon. Bakit paulit ulit pa rin akong binabalik balikan. Nasa ganun akong ayos ng biglang tumunog ang aking cellphone. May mensahe galing kay Juan Carlo.

I am really sorry if I made you cry. I didn't mean to hurt you. Sorry kung napanggit ko ulit ang pangalan nya. I hope you can give me a chance to make up to you. I really enjoyed the lunch. Sana maulit ulit.

lol.... tabz

Napangiti ako at unti unti kong nakalimutan ang aking panaginip. Kahit sa mga simpleng ginagawa ni Juan Carlo ay napapangiti nya ako. Naaalala pa pala nya ang tawag ko sa kanya noon tabz short for tabatsingtsing.

friends with benifitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon