This is same with chapter 11 but with the point of view of juan carlo. hope you enjoy every chapter i made. thanks guys..!
________________________________________________________________________________
Chapter 12
Jaycee's POV
Nagising akong masigla. Magkikita ulit kami ngayon ni kath. Medyo worried nga lang ako sa kanya dahil sa naging reaction niya kagabi. I know na nasasaktan pa rin siya kapag nababanggit ang pangalan ni luis. Nasaktan ako dahil ayaw kong nakikitang nalulungkot at nasasaktan siya ng ganun. Promise ko sa sarili ko gagawin ko lahat para sumaya ulit siya. Pagkabihis ay dumeretso na ako sa bahay niya. Pinagbuksan ako ng kanyang kasambahay pero sinabihan ko siyang huwag na munang gisingin ito at hihintayin ko na lang siya hanggang bumaba ito. Hindi nagtagal ay narinig kong may bumababa sa hagdanan, nilingon ko ito at nakita ko si kath. Napakaganda niya. Bumagay ang damit niyang dilaw sa maputi niyang balat. Nakita kong kumunot ang kanyang noo.
"Good morning kath" bati ko sa kanya
"Good morning. Coffee?" tanong nya sa akin.
"No thanks nagcoffee na ako sa bahay."
"So anong maipaglilingkod ko sa'yo?" shoot nakalimutan niya ang usapan naming dalawa kagabi. Ngumiti ako bago nagsalita.
"I am here to check if your okay. After ko kasi tanungin sa'yo kagabi if pwedeng samahan mo ako kay luis ngayon eh bigla ka na lang nalungkot." Nakita kong napatigil siya.
"If okay lang naman sa'yo." dugtong ko.
"Oo naman why not." ngumiti siya sa akin.
"Kukunin ko lang yun bag ko at ibang gamit ko para deretso office na ako mamaya." tumayo siya at pumunta sa kanyang kuwarto. Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita kong pabalik na ulit siya.
"Ready?"
"Yup tara na bago pa uminit lalo."
"Okay." Isinara niya ang pintuan ng bahay niya. Hinawakan ko ang kanyang siko upang alalayan siya hanggang sa may sasakyan at pinagbuksan ng pintuan tsaka ako naglakad papunta sa kabila. Pagkaupo ko nakita kong nakayuko siya.
"Are you okay?"
"Ha?..... "
"I said ok ka lang?"
"Yup ok lang, why?"
"Wala bigla ka kasing natahimik. Are you sure okay lang na samahan mo ako?" ulit kong tanong sa kanya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko kung gaano pa rin niya kamahal si luis at kung paano pa rin siya nasasaktan sa tuwing naririnig ang kanyang pangalan.
"Yup okay lang ako. Lets go bago pa magbago ang isip ko." Natawa ako sa sinabi niya. Pareho kaming tahimik sa buong biyahe papuntang sementeryo. Gusto kong magsalita pero nirespeto ko ang nararamdaman niya. Baka kasi gusto niyang mag-isip. Nakarating kami sa may puntod ni luis at nakita kong nanghina siya. Lalapitan ko sana siya para alalayan pero nakita kong umupo siya. Narinig kong nagsalita siya.
"Hi bebz. Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw. I miss you and i always will miss you." Alam kong ayaw niyang iparinig ang kanyang sinabi dahil mahina lamang ang pagkasabi nito at nakita kong maluluha luha siya habang nagsasalita.
"May kasama nga pala ako ngayon. You won't believe it. Bumalik na siya, sayang at di na kayo nagkita. Our bestfriend is back." Nakonsensya naman ako sa sinabi niya. Alam ko sa mga salita niya ay may hinanakit siya sa pag alis ko at hindi pag-uwi noong namatay si luis.
"So bebz iiwan ko muna kayong dalawa para magkasarilinan naman kayo. I love you bebz and i always will. I miss you soooo much." sabay tayo niya. Ngumiti siya sa akin tinapik ako sa balikat sabay talikod. Naiwan akong mag-isa sa may puntod ni luis.
"Sorry dude.." iyon lang ang nasabi ko. Tsaka ako natahimik ulit. Hindi ko alam san ako mag-uumpisa. Kahit dahil sa ginawa ni luis kaya ako umalis ng bansa ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil wala ako sa tabi nila ng mangyari iyon. Sana sa simpleng salitang iyon ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon.
"Salamat pare sa pagkakaibigan. Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa prinsesa natin. Aalagaan ko siya para sa iyo. Alam kong mahal na mahal mo siya at mahal na mahal ka din niya. Hindi ko papayagang may manakit ulit sa kanya." Napabuntong hininga ako. Nag-alay ng konting panalangin para sa kanya.
"Sige pare hanggang sa muli." Nagpaalam ako sa kanya bitbit ang isang pangako. Sinulyapan ko ulit ang kanyang puntod tsaka tumalikod at naglakad papunta sa kinaroroonan ni kathleen.

BINABASA MO ANG
friends with benifits
MaceraKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...