friends with benifits15

793 12 3
                                    

Minsan nawawalan na ako ng gana magsulat kasi feeling ko parang wala naman, wala naman nakakaapreciate masyado pero sabi nga ng asawa ko gawin mo lang yun alam mong nagpapasaya sayo. Huwag mo isipin yun hindi nakakaapreciate kundi isipin mo yun mga taong patuloy na nagbabasa pa rin sa sinusulat mo. I love seeing you writing again..

Sweet talaga ng kabit ko este asawa ko.. hehehe... Sa mga patuloy na tumatangkilik salamat po.. Sorry kung medyo senti ako now..

Please check my website.. iamlydez@blogspot.com ... Salamat po..!

_________________________________________________________________________________

Chapter 15

Kath POV

It was a sunny morning, a beautiul day indeed. Sabado ngayon kaya hindi ako pumasok. Tutal andoon naman si Danica, ang manager ng store. Ako kasi more on office work at si Danica naman ang bahala sa tindahan. Good mood ako pagkagising kasi after how many years ngayon ulit ako nakatulog ng maayos ng hindi nananaginip ng masama. Pagbangon ko ay dumeretso ako sa banyo at nagsipilyo at nagsuklay ng buhok. Papunta na ako sa kusina ng narinig kong tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at nagmadaling bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko ang aking yaya.

"Masaya ata gising ng alaga ko ngayon ah."

"Lagi naman yaya ah."

"Pero iba yung aura mo ngayon eh."

"Anong iba yaya?"

"Basta iba, di ko masabi ano yung ibang yun pero meron kakaiba sayo ngayon."

"Si yaya talaga kung anong sinasabi, lagi naman ako masaya eh."

"Magmula kasi noong nawala si Luis di na kita nakitang ngumiti ng ganyan. Ngayon lang dumating ulit si Juan Carlo." Natahimik ako. Ganun ba ako kaobvious? Ganun ba ako kalungkot noon? Naalala ko na naman si Luis. Nakokonsensya ako dahil ako nagpapakasaya ngayon samantalang siya di na niya pwedeng gawin yun dahil namatay siya ng dahil sa akin. Naisip ko baka mamaya isipin niya di ko na siya mahal dahil masaya na ulit ako. Teka masama bang sumaya ulit?

"Ay anak sorry kung nabanggit ko pangalan ni Luis. Lumungkot ka tuloy." boses iyon ng yaya ko na siyang nagpabalik sa aking diwa.

"Okay lang iyon yaya, di naman masamang banggitin pangalan ni Luis. Naalala ko lang na madalang ko na lang siyang dalawin ngayon." tsaka ako ngumiti.

"Siya, ano ba gusto mong kainin anak?"

"Omelette, Bacon at tinapay na lang yaya tsaka juice."

"Okay ihahanda ko lang."

"Salamat yaya." Nakita kong tumalikod ang yaya ko tsaka ko naalala na may nagtext pala sa akin. Binuksan ko agad ang cellphone ko baka kasi sa opisina at may emergency.

RISE AND SHINE PRINCESZ ang nakasulat sa screen ng cellphone ko at napangiti ako sa pangalan ng sender. Kahit kailan ay talagang napapangiti ako ni Juan Carlo kahit sa mga simpleng bagay lang.

I am already awake :) -kath

I am excited for tonight -jaycee

me too...

pick you up at 7pm okay...

Okay..

I still have work to do. Take care.. see you soon.. :)

Take care too.. <3

This is it. Our first date. First nga ba? Di ba naglunch na kami noon? Alright maybe this is our first real date, as in date with matching bihis to the max. Hindi niya sinabi sa akin san kami pupunta. Basta sabi niya just wear any clothes daw. Pagkatapos kong kumain ng almusal ay nagpunta muna ako sa maliit na opisina sa bahay upang tapusin ang iba pang projects na kailangang tapusin ko. Pero ilang oras na akong nakatitig sa sketch pad ko pero kahit isa ay wala akong maidrawing. Walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Excited na kinakabahan ako. Isama mo na rin ang kilig na nararamdaman ko.

Bago mag alas singko ay pumasok na ako sa aking kwarto para maghanda para sa lakad namin mamaya. Pinuno ko ng tubig ang bathtub at nilagyan ng milk soap tsaka ako nagbabad ng halos thirty minutes. Pagkatapos ay lumabas na ako tsaka pinatuyo ang aking buhok. Pagkatapos matuyo ay hinayaan ko munang nakalugay at mamaya ko na lang aayusin ito. Lumapit ako sa aking kabinet upang mamili ng damit. Sa 22 years na ikinabubuhay ko sa ibabaw ng mundo ay ngayon lang ako namobrema sa damit. Feeling ko lahat ng damit ko ay pangit sa paningin ko. Ilang minuto pa ay nakapili na rin ako. Isang silk jeans na kulay black na hapit sa aking legs ang napili ko. Tapos ay tinernuhan ko ng kulay yellow na blouse na uso ngayon (un hapit sa baba at medyo baloon sa may bewang na labas ang shoulder) at tsaka sapatos na may heels pero hindi naman ganun kataas. Hindi siya ganun kaformal pero bagay naman kahit san kami nagpunta.

Pagkatapos mamili ng damit ay tsaka ko inasikaso ang aking buhok at make up. Tinirintas ko ang mahabang buhok ko at tsaka hinawi pakaliwa. Light make up lang din ang nilagay ko para naman hindi nya isiping pinaghandaan ko ng sobra sobra ang aming date. Fifteen minutes na lang bago magseven ng may kumatok sa aking pintuan.

"Anak nandito na si Juan Carlo" sigaw ni yaya meding.

"Opo pababa na po." Ilang beses ko pang tinignan ang aking sarili sa salamin at nang masatisfy ay kinuha ko ang aking maliit na bag. Ipinasok ko ang aking cellphone, powder at lipstick sa loob tsaka ako bumaba.

__________________________________________________________________________________

Finally natapos din.. Ilang oras ko din ginawa ito . Sa pagmamadali ko naghang ang pc at boom nabura lahat.. Pasensya na din ha hindi kasi ako magaling magdescribe lalo nat hindi naman ako sanay sa ganitong date... hahahaha..! Hope you'll like it...!

friends with benifitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon