030

15 2 0
                                    

I decided to bake brownies for the last for him. Iiwan ko na lang sa mesa niya. Wala akong pakialam kung hindi niya kainin o itapon niya. Iiiyak ko lang naman at wala na, babangon na ako ulit.

Agad na nahanap ng nga mata ko ang matangkad, maputi, at chinitong lalaki. Kasama niya si Gift, ang bali-balitang nililigawan niya na nga. The girl is beautiful, very likeable. Hindi nakapagtatakang magustuhan nga siya ni Manu.

Ganiyan pala talaga ang tipo niya, may pagkamaldita, sarkastiko, pero masaya namang kasama.

“Ginagawa niya rin kaya kay Gift... ang mga ginagawa niya sa akin dati?” Mahina kong tanong sa sarili habang pinagmamasdan sila mula sa malayo

Napailing ako at ginawa na ang balak.

“Pakibantayan po, ah? Para kay Manu po talaga iyan.” Pakiusap ko sa isa sa mga kaklase niya.

Inabutan ko pa ito ng maliit na kahon.

“Ito ang para sa ‘yo, basta makararating dapat sa kaniya ‘to, ah? Salamat!”

Huli na ‘to. Tanggapin mo na.

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now