052

14 2 0
                                    

“Kung hindi mo kayang manahimik, halip na tissue ay basura ang ipapasak ko sa bibig mo!” I roared.

Binitawan ko siya mula sa pagkakasabunot. Lumuluha na siya’t nagpapaawa sa mga estudyanteng nanonood habang ako ay nag-aapoy pa rin sa galit. Don’t ever stain my mother’s name, ako talaga ang makakalaban niyo.

I smirked after getting back to my senses. Got what you deserved, bitch.

“Miss Moreno! Guidance office!”

Sinimulan ko nang magpulot ng nga kalat sa cafeteria na ang iba ay gawa ng nangyaring away kanina dahil sa amin. Ito ang punishment ko. Noong huling beses ay comfort room, ito naman ang lilinisin ko ngayon.

I sighed as I bent down my knees to pick up the trash scattered in the floor.

“Paano kita magugustuhan? Hindi ka pa rin nagbabago.”

A familiar voice enveloped my ears. Agad akong nag-angat ng tingin. Surprisingly, my lips immediately formed into a smile after I saw him. Pero napasimangot din dahil sa sinabi niya.

“Paanong hindi ko aawayin? Agrabiyado nanay ko...” Mahinang tugon ko.

Pinantayan niya ako’t tiningnan ng diretso sa mga mata. Hindi ko siya mabasa. If life is an open book, bakit hindi ko makita ang nilalaman niya?

“Is this why are you always in the guidance?”

“Ang kulit kasi nila, e.” I pouted. “Sabi nang itigil na ang pagpapakalat ng chismis tungkol sa nanay ko pero ayaw tumigil...”

“Hindi naman totoo. Ipinagtatanggol ko lang naman si Mama. Masama ba ‘yon?” I innocently asked.

Spreading rumors about my mother being an official’s mistress is too much to take. Wala namang katotohanan!

The side of his lips rose up. Lalo pang sumingkit ang mga mata niya.

“You love you Mom so much, that’s a very nice thing to hear from you, Maurely.”

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now