008

18 1 0
                                    

“Salamat po, Ate Mau!”

Nag-init ang puso ko nang makitang nakangiti ang mga bata sa paligid. Masayang-masaya sa piraso ng cake na ipinamahagi ko. Hindi pa ako nagtatanghalian pero nakakabusog na ang mga reaksiyon nila.

“Ubusin niyo ‘yan, ah? Sa susunod, kanin at ulam naman ang dadalhin ko sa inyo para hindi kayo puro matamis lang.” Pangako ko.

Nagpalakpakan sila. “Talaga, Ate? Ang bait mo po talaga!”

Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kalsada sa tabi ng gate, tumabi sa akin ang guwardiya na nakalapit ko na rin at binabahagihan ko rin ng mga bine-bake ko. Alam niya ang buong istorya, napakuwento ako dati ng wala sa oras, bugso ng damdamin.

“Ayaw pa rin po bang tanggapin ni Manu?” Kuya Paulo asked.

“Hindi ko po ginawa ‘yan para sa kaniya,” I lied. “Para sa inyo po talaga ‘yan.” Ngumiti ako.

Hindi siya kumbinsido pero hindi na rin siya nagtanong. Habang pinagmamasdan ang mga bata, bahagya akong napangiti.

When I’m baking for Manu, I'm pouring all my love for him to it. Pero hindi niya natatanggap. Palagi niya kasi akong iniignora, palagi akong iniiwasan, o itinataboy. Masakit. Pero kasalanan ko naman kung bakit umabot kami sa ganito. Kaya pagtitiyagaan ko ang lahat para bumalik kami sa dati.

Kung hindi ko lang sinabi sa kaniya ‘yon, siguro ay init at hindi lamig ang madarama ko sa mga titig niya.

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now