044

13 2 0
                                    

Twitter

rare @manformaui • 56s

what did just happened?

Repies...

thera
@biteme

Replying to @manformaui
hulaan mo ginawa mong katangahan, girl

•••

Lips locked on a stranger’s suddenly made a distance. Hindi siya nanakit. Hindi rin siya nagsalita. He just dragged me out of nowhere. And because I was drunk, I can’t function well. Sa hilong nararamdaman ay hindi na ako nakapagprotesta at nagpahila na lang sa kaniya.

“Manu...”

“Don’t talk.”

“Manu —”

Familiar lips touched mine. After two years. Manu held me in place as he deepened the kiss under the starry night.

“Tangina?!”

Mabilis akong napabangon. Did we... did we really kiss? And — siya ang naunang humalik? Halos sabunutan ko na ang sarili habang pilit na inaaalala kung totoo ba iyon at ano pang nga nangyari.

“Seryoso ba? Putangina,” I frustratedly uttered.

“Ang bibig mo, Maurely.”

Napakagat ako sa labi nang pumasok si Mama sa kuwarto. “Sorry po.”

Hinawi niya ang mga kurtina, tumama ang sinag ng araw sa akin dahilan ng pagpikit ko ng mariin. Ang sakit pa ng ulo ko, pakiramdam ko ay suka at gamot ang almusal ko ngayong araw. Inom pa.

“Anong rason naman at tumbang-tumba ka kagabi?” Tanong niya.

“Hindi ka pa nagkukuwento, nagkabalikan na pala kayo ng chinoy mo noon sa Baguio? Hinatid ka pa!”

My eyes widened for a second. Hinatid niya ako? Fuck, please. Ano pa bang kahihiyan ang ginawa ko kagabi.

“Hindi pa nga, Ma, e...” Simangot ko.

She tsked. “Ang bagal mo namang kumilos.”

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now