054

14 2 0
                                    

“Takasan natin ang mundo,” I grinned.

Dinala ko siya sa isang tagong lugar kung saan payapa at maganda ang tanawin. Naglatag kami ng picnic blanket at inihain doon ang dalang pagkain. I started baking brownies almost daily after I discovered he loves it. Magkatabi kami ngayong pinagmamasdan ang ulap.

“Maui...”

“Ang ganda ng ulap.”

Hindi ko siya pinatatapos magsalita. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, ano mang oras ay ire-reject niya na ako. Masyado siguro akong makulit o nakakairita. I am much aware of that, hindi ko lang talaga mapigilang dumaldal at ipakita ang tunay na ako tuwing siya ang kasama.

Limang buwan na. We’re hanging out for five months straight. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya at inaamin kong natatakot akong malaman.

Paano kung matapos ang lahat ay hindi pa rin niya ako gusto? Alam ko namang hindi kamahal-mahal ang isang tulad ko, lalo na sa ugaling ipinakita ko noon. Si Mama lang ang nakakaintindi sa akin. Dahil walang gustong sumubok.

“Maui,”

I winced. “Ayokong marinig, Manu.”

Tumawa siya. “Sigurado ka?”

I sighed as I look at him. I pouted when I saw him grinning. Tuwang-tuwa na naman siya sa akin.

“Ano ba ‘yon...”

He held my chin and made me face him. My heart beats faster than ever while looking at him directly in his eyes. With sincerity, adoration, and love, he uttered,

“Maui, gusto kita.”

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now