066

17 2 0
                                    

“Hi...” He smiled.

Sinuklian ko iyon at sinenyasan siyang maupo sa tabi ko. This place is full of memories of our old love. Amoy tamis ng kahapong hindi na magbabalik.

“Kumusta?”

“Okay ako, Manu.”

I saw him nodded in my peripheral vision. Natahimik ulit kami, hindi alam kung paano uumpisahan ang sinadyang usapan.

Pumunta ako ritong hindi alam kung paano sasabihin ang mga nangyari. I don’t want him to hate his Mom. Manu’s mother is the one who gave birth to him, ang unang nagmahal at nag-alaga sa kaniya, ang unang babae sa buhay niya. One of her responsibilities and rights is to protect Manu from someone like me.

“I’m sorry...” I whispered. “Kung nasaktan kita, kung iniwan kita... kung naging mahina ako.”

I heard him sigh. I can not even breathe, nahihirapan akong magkuwento.

“Ano bang nangyari sa atin, Maui?”

“Your Mom..." I trailed off.

Tila nagulat siya sa narinig. I hope you won’t hate your Mom after this, Manu.

“Mommy’s involve in this case?” Hindi makapaniwalang aniya.

I gulped.

“Noong araw na sinundo ka niya at kinausap niya ako... sinabi niyang hindi raw ako makabubuti para sa ‘yo. She made me feel like I don’t deserve even an inch of you and your love. A-Ayaw niya sa akin...” Kuwento ko sa paliit nang paliit na boses.

“She told be to break up with you.”

Hindi siya nakapagsalita agad na para bang pinoproseso pa ang mga narinig. Nakayuko lang ako at hinihintay ang tugon niya.

“Bakit hindi mo sinabi?” Using his weak voice.

I shrugged my shoulders. Hindi ako makatingin sa kaniya. Manu knew me very well, I am always insecured and can’t love myself even a little.

“I just realized... baka nga hindi ako ang para sa ‘yo.”

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now