060

12 2 0
                                    

“Happy anniversary — Maui?”

My heart beats faster when I saw her in a very unfamiliar aura. Nilapitan ko siya. I tried to reached for her but she just avoided my touch. Para akong sinasakal ng mga titig niya, kakaiba.

“What’s wrong, hmm? May umaway ba sa ‘yo?” Malumanay kong pang-aamo.

“Let’s stop this, Manu.”

Nanigas ako sa kinatatayuan sa narinig. It made me stopped breathing, thinking, and beating for a moment.

“M-Maui... ang alin? Ano... bakit?” I was stuttering, wasn’t able to speak and think straight.

“Ayoko na. Sawa na ako sa ‘yo. Ginamit lang kita.” Malamig na aniya.

Bumigat ang paghinga ko, nagbabadya ang mga luha. Sa kabila ng mga narinig ay pinilit kong lumapit sa kaniya para amuin siya.

“Hey, uhm... l-let’s talk, okay? Pag-usapan natin... hindi p-puwedeng ganito, Maui.” Umiling-iling ako.

I finally held her hand. Hindi ko na pinakawalan iyon. She was just staring at my broken soul, cold and with nothing in her eyes. Habang ako, paulit-ulit nadudurog. She... used me?

“Manu!” Sigaw niya na para bsng natauhan.

I sobbed. “Hindi ako naniniwala!”

“Huwag mo nang hintaying pagsalitaan pa kita para lang bumitaw ka.”

Hindi mo magagawa ‘yan, Maui. Kilala kita. Sa loob ng higit isang taon, hindi mo pa ako pinagsalitaan ng masama. Kahit inis, galit, o tampo, hindi mo ako natitiis at hindi sinasaktan. Pero paano kung totoo nga? Baka masyado akong mabulag sa pagmamahal ko sa kaniya.

“Pinagkatiwalaan kita... ano ‘to, Maui? B-Bakit binibigo mo ako? Y-You just used me? Para ano?”

The side of her lips rose up but her eyes are telling me otherwise. “I used you to climb up to the top.”

“Pakitang tao lang lahat, Manu. We’re in a world where we can fake almost everything... naniwala ka naman?”

Tila may kumalabit ng gatilyo, naputol ang pising pinanghahawakan ko.

“Putangina.”

I was so anxious. I can’t think straight, my lips are trembling. Halo-halo ang emosyon ko. Natatakot ako... paano nga kung totoo? Kung talagang ginamit niya lang ako? And it was too painful because I gave her everything. I loved her more than myself. I treasured Maui a lot. Tiwala ako sa kaniya.

“Maui, mahal na mahal kita! Tapos gagaguhin mo lang ako?! Hindi ako naniniwala! Mahal mo ako, alam kong alam mo ‘yon. Kaya please... t-tama na... i-isang taon na tayo, oh.” Pagmamakaawa ko.

I begged. Lumuhod ako sa harap niya, holding her hand and hugging her waist. I cried and cried. Kahit awa. Kahit awa na lang kung totoong hindi mo nga ako mahal o minahal.

“Kaya kong itapon ang isang taon, Manu. Kung ako sa ‘yo, hindi ako magmamakaawa para lang hindi ako iwan ng isang tulad ko.”

I shook my head. When Maui’s always thinking that she’s unworthy, I was so upset how to make her feel like she is the most special girl in the world. I never want her to feel that way because she isn’t just what she think she is.

“Mahal kita... tanggap ko kahit sino ka pa. I am more than willing to embrace your flaws and imperfection... you are always worth the risk, Maui... sana ay gano’n din ako sa ‘yo.”

But I was just nothing but a toy she can use to be on top. On January eight, I lost the love that I thought was true.

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now