055

15 2 0
                                    

“Saan masakit?” Soft tone of his voice enveloped my ears like a music.

Tiningala ko siya habang iniinspeksyon ang paso ko.

“Galit ka?”

Hindi ko napigilang i-update siya tungkol sa minor incident na nangyari sa TLE class namin na cookery. Nasa clinic ako dahil natapunan ako ng mainit na tubig. Hindi ko naman alam na tatakasan niya ang klase niya para puntahan ako. Na-guilty tuloy ako.

He sighed. “Hindi ako galit,” he whispered. “Mag-iingat ka sa susunod, hmm? Pinag-aalala mo ako.”

I nodded with my teary eyes. Never experience this kind of treatment. Ang mga sugat na natatamo ko sa mga away ko noon ay ako lang ang gumagamot dahil wala rin namang nag-aalala. Ngayong narito siya, gusto kong umiyak ay magsumbong sa mga luma kong karanasan.

Manu hugged me and planted a kiss on my temple.

Bitbit niya ang bag ko habang naglalalad kami pauwi. May hawak din siyang payong na halos ako lang ang natatakpan dahil ayaw niyang naiinitan ako. Ihahatid niya pa ako sa bahay at tutulungang mag-aral ng kaunti bago pa siya makauwi. Basketball practice ang dahilan niya sa magulang.

Nag-guilty ako na nagsisinungaling siya sa parents niya. Pero sabi niya naman ay ipakikilala niya ako ng pormal sa recognition day kaya hinihintay ko na lang ito.

“Saan ka pa nahihirapan?”

I shook my head kahit may iba pa akong hindi maintindihan.

“Umuwi ka na... baka hinahanap ka na sa inyo, aabutin ka pa ng dilim.”

He pouted. This side of him is my favorite, and only I can see it.

I kissed him on his cheek nang masigurado kong hindi kami makikita ni Mama. He chuckled before giving me hug.

“Thanks a lot, Manu. I love you.”

“I love you, Maui.”

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now