015

17 1 0
                                    

Alas tres ako nabakante ngayong araw. Wala naman akong ginawa kaninang lunch break pero parang nasanay na ang katawan ko na alas dos kumain ng tanghalian kaya ngayon lang kumukulo ang sikmura ko. Dumiretso ako sa cafeteria.

Dalawang araw na rin akong hindi nagpaparamdam kay Manu. Bukod sa nahirapan akong lunukin ang sinabi niya noong gabing may inom siya, wala rin akong madadala sa kaniya dahil hindi ako makapag-bake sa ngayon.

Kumikirot ang kamay ko dahil sa insidente, ilang araw na ang nakalipas. Hindi pa ako makapagpatingin dahil weekdays pa, minsan ay ginagabi na rin akong umuwi kaya hindi na ako makadiretso sa ospital.

Tungkol sa mga nasabi ni Manu noong gabing ‘yon, hindi ako magsisinungaling, nasaktan talaga ako. Alam ko naman iyon, hindi ko lang matanggap. Hindi pa rin. Umaasa pa rin akong baka may pag-asa pa kami, maaayos pa kung makikinig siya sa akin.

Pero nahihirapan akong magpaliwanag. Ayaw niya rin namang makinig.

“Ate, balikan ko na lang po ‘yong tubig,”

Hindi na mabitbit ng kamay ko. Pagkalapag ko ng pagkain sa pinakamalapit na mesa ay lumiko ako para balikan ang tubig. Napaatras ako nang sa paglingon ko ay bumungad sa akin ang isang hindi inaasahang tao.

“M-Manu...” Napalunok ako.

Ang lapit. Masyado siyang malapit. Ngayon na lang ulit ko siya napagmasdan ng ganito. Ang lapit pero ang hirap niya pa ring abutin.

“Anong nangyari sa kamay mo?” Tanong niya sa baritonong boses.

Kumabog ang dibdib ko. Malamig ang boses pero mababahiran ng pag-aalala. I mean, sa tanong... baka concern siya.

“Ah, wala ‘to!” I tried to smile despite of my nervousness.

Bahagyang kumunot ang noo niya. Sa ilalim ng makapal na salamin sa mata, hinahanap ko ang sagot kung anong intensiyon niya.

“Patingin,”

Lumunok lang ako nang lumunok. Hindi ko kinakaya. Parang sasabog ang puso ko. Nanatiling nakatitig lang ako sa kaniya.

“Give me your hand, Maurely.”

Dahan-dahan kong iniangat ang kamay. Naubusan na naman siya ng pasensiya at siya na mismo ang umabot noon.

Pinagmasdan ko lang siya habang marahang pinipisil-pisil ang kamay ko. Hindi ko alintana ang sakit dahil sinusulit ko ang mga nakaw na sandali. Gusto kong isiping nag-aalala siya, katulad ng dating siya. Pero parang pinalalalim ko lang ang sakit kung aasa pa rin ako.

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now