021

16 2 0
                                    

Umiiyak na naman ako habang kumakain. Hindi ko alam kung dahil sa sakit ng kamay o sa sakit niyang magsalita. Diretsahan. Wala man lang preno, alam naman niyang kahit maldita ako noon ay mabilis tumulo ang luha ko. Nakakainis.

Pinalis ko ang luha nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Natigilan ako nang makita kung sino iyon.

“Nakakaiyak ba ang sakit?” Buo ngunit malumanay na tanong niya.

“Oo...”

Nag-iwas ako ng tingin. “Wala ka bang klase?” Mahina kong tanong.

“Mayro’n,” he asnwered. “Nagpaalam akong magc-cr.”

“Bakit dito ka dumiretso?” Tanong ko kahit hindi sigurado.

Baka nakapag-cr na siya tapos may gusto lang bilhin o daanan dito. Nag-a-assume na naman ako. Hindi niya ako sinagot kaya hindi na lang din ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit oarang ang sama ng loob ko sa kaniya. Tinablan na ba ako?

Binitawan ko ang kutsara para uminom. Nakakauhaw umiyak para sa lalaking wala namang pakialam sa akin. Sa pagbaba ko ng baso ay nagulat ako nang ginalaw niya ang pagkain sa plato.

Gamit ang tinidor ay iniusod niya sa kutsara ang ulam at kanin. Malinis niya iyong iniharap sa akin. Napalunok ako sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang gagawin niya ito... bakit? Bakit ba siya lumalapit? Kasi kung wala naman akong pag-asa, sana hindi na lang niya ginagawa ito.

Mas lalo akong nasasaktan.

“M-Manu...” I breathed.

Ang singkit niyang mga mata ay nanunusok ang tingin sa akin. Tumango ito at tumingin sa kutsarang nakatapat sa bibig ko.

“Bawal mapagod ang kamay mo. Sige na,”

I opened my mouth and gently reached for the spoon. Parang sasabog ang puso ko lalo na sa nakakasindak niyang titig. Tuwing lalapit siya, ang dating Manu ang naaalala ko. Para kaming bumabalik sa dati. Para lang...

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now