056

13 2 0
                                    

“I’m so proud of you, Maui ko...” Manu gave me a warm hug.

Gusto kong maiyak dahil narito ako bilang tagapanood lang. Hindi umabot ang general average ko para makapasok sa with honors. Ang totoo niyan ay umiyak na ako nang umiyak noong makita ko ang list ng aakyat sa entablado. Thankfully, Manu was there to comfort and motivate me even more.

“Proud ka pa rin sa akin? Kahit 89 lang ang average ko tapos 96 ang sa ‘yo? Hindi ko kasi kaya ‘yon...”

Lumamlam ang mga mata niya. “Maui, you’re doubting yourself again...”

I bit the insides of my cheeks to stop myself from crying. Manu embraced all my flaws, and because of that, I promised to love him no matter what.

“Kaya mo akong higitan balang araw, magtiwala ka lang sa sarili mo, hmm? Let’s study hard and achieve our dreams together.”

Bahagya akong nagulat sa pagdampi ng labi niya sa labi ko, agad niya akong niyakap bago pa ako maka-react. I heaved a sigh and hugged him tighter.

“Congratulations, Manu... I love you.”

Today is the day where I would meet his mother. Wala ang tatay niya sa loob ng bansa, nasa China ito para sa trabaho.

“Huwag ka nang kabahan. Mabait si Mommy.” He assured.

Hindi ko alam kung bakit parang maiihi ako sa kaba. Kung bakit hindi maganda ang kutob ko. Natatakot talaga ako.

“G-Good afternoon po, Mrs. Escobar.”

“Good afternoon, hija.”

Her voice scared me more. Hindi ko masabing maayos ang unang pakikitungo niya sa akin kaya lalo akong kinabahan. Sumabay pa ang pagpapaalam ni Manu na magc-cr siya. Para akong mamatay sa kaba nang maiwan akong mag-isa sa nanay niya.

“Maurely, right?”

“Y-Yes po.”

“Loosen up,” her chuckles scare me.

“Loosen your hold to my son, too. I knew everything about you, and I don’t like you for Elmanuwel.”

May mas nakakatakot pa pala sa pagharap sa magulang ni Manu. Iyon ay ang pagpapabitaw ng nanay niya sa kapot ko sa kaniya. Ang isiping mawawala siya sa akin dahil sa kagustuhan ng unang babae sa buhay niya ay parang sinasaksak ang puso ko sa takot at sakit.

Hindi ako tanggap.

•••

(vi) glimpse of usWhere stories live. Discover now