Kabanata 32

494 5 1
                                        

A/n : this chapter is not edited..



Lara




"Kenzo,saan ba tayo pupunta? " tanong konkay kenzo habang nagmamaneho ito.


Ngumiti lamang sya sa akin saka inabot ang aking kamay at marahang hinalikan ito.

" I told you already, it's a surprise..." aniya saka kindat sa akin.." Ahh, you look so fucking good in that dress baby.." dagdag niya pa saka kumagat sa kanyang pang ibabang labi.

Napataas ako ng kilay," Naman, ilang beses mo nang sinabi yan, simula pa ng umalis tayo...Nagsisimula na akong hindi maniwala sayo niyan e.."

Napatawa ito," Hays, believe it or not,you' re so fucking gorgeous."


Nangamatis na naman ang mukha ko , mukhang hindi ata talaga ako masasanay sa kung anong meron sa amin o sa mga ginagawa niya sa aking pagpapakilig, oras oras o minu-minuto man..Hindi ko maiwasang mamula sa mga banat niya,ganito ba talaga mayayaman na pogi? Effortless ang mga banat! Batikan sa pambobola?



Tungkol naman sa damit ko ay syempre,as usual, binilhan niya ako ng pagkarami rami na mukhang mamahalin pa ---- ay hindi,mamahalin talaga! Ang gaganda ,to the point na ayaw kong suotin dahil pakiramdam ko nga ay hindi babagay sa akin, s'ya lang talaga ang mapilit kaya no choice...

Pinili ko na lang iyong sa tingin ko ay simple lang---- Puting dress na umubot lang sa aking tuhod,wala itong mga desenyo ,literal na simple lang kaya ito na ang napili ko.


Sya naman ay simpleng nakasuot ng trademark niyang itim na suit na pinailaliman ng puting polo..Kahit na araw araw kong nakikita ang porma niyang iyon ay para bang mas pumupogi sya sa paningin ko sa kahit anong anggulo.


Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na mahal ako ni Kenzo...May parte sa puso ko na nagsasabing mali ang nararamdaman ko,o hindi totoo ang nararamdaman niya para sa akin. Pero unti unti, natatalo ang lahat ng pangamba ko dahil sa pagmamahal ko kay kenzo... Palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya, tuloy ay natatakot ako na baka masanay lang ako at masaktan sa huli.


Pero, sabi nga ni aling kusing, trust the process and  enjoy the moment,ang hindi lang ako sigurado ay ang sinabi niyang wag kong ibuhos lahat, kasi mukhang mabubuhos ko na.


Isusugal ko na ba talaga ang puso ko?



Ilang minuto pa ang nagdaan, huminto kami  sa harap ng isang malaki at marangyang building.



"We're here baby..." Sabi ni Kenzo at muling nag iwan ng ngiti bago lumubas.


Dahil nasa labas nga sya ay nagtangka na rin akong lumabas at akmang bubuksan ang pinto ng  kotse ng biglang binuksan iyon ni  Kenzo at inilahad sa akin ang mga palad niya," Come on ,princess." Aniya sabay ngiti.


Walang ano ano ay kusa kong tinanggap ang kamay niya saka ginantihan sya ng ngiti.Paglabas ko ng kotse ay inilagay niya ang  aking kamay sa kanyang braso at nagsimula na kaming maglakad .


Nang malibot ko ang aking tingin ay agaran akong namangha .... Isang building iyon na imposible kong mabilang kung ilang palapag! Napansin ko rin ang iba't ibang nakaparadang kotse sa parking lot , ni hindi mo iisiping pipitsugin lang ang mga iyon!


" You should get used to it by now baby, parang lagi kang amazed sa mga lugar na pinagdadalhan ko sayo,"wika niya sabay tingin sa akin," I am your man , alright?"


Napakagat ako sa aking labi at muli ay ngumiti lang sa kanya.


Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa entrance, kusang bumukas ang salamin na pinto at sumalubong sa amin ang isang naka uniporme na lalaki.


Maid For The BILLIONAIRE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon