Rosgella
"Ilang beses ko paba need na ulit-ulitin Kelvin na ayoko ngang mag-laro ngayon?." Nawawalan ng pasensya kong tanong sakaniya.
Ilang beses na kasi niya ako inayang maglaro ng online game na sinasabi niya kanina. Ilang beses na rin ako tumanggi sakaniya. Mas masakit pa pala siya sa ulo kaysa kay James.
"Ngayon lang naman e, pag bigyan mo na'ko. Ilang araw lang naman ako dito, Ros. Tara na, bubuhatin naman kita e"
Halos itulak kona siya palabas ng kwarto para lang tigilan na niya ako sa kakakulit niya sa'kin.
"Ilang beses ka ba iniri ni Tita Feby ha? At grabe yang kakulitan mo"
Nagsusulat ako ngayon dito sa kwarto habang siya nangungulit lang. Tangina kasi, bakasyon niya kasi nag stop muna siya sa pag aaral. Magttrabaho daw siya pero nandito siya ngayon sa kwarto ko at nangbubulabog.
"Ano ba yang sinusulat mo?" Umupo siya sa gilid ko at nakibasa. "Ah, ako na mag susulat niyan Ros, basta after maglalaro tayo?" Masakit narin yung kamay ko kakasulat pero hindi niya ako mapipilit.
****
"Ba yan, Tangina! Inagawan ako. Isang putok nalang patay na e!". Gigil kong sigaw ng agawin ng kakampi ko yung kalaban
"Oh, tapos nako! Tara laro na tayo." Inabit niya na sa'kin yung notebook nang sinipa ko siya dahil namatay ako. Bumagsak siya sa sahig mula sa pagkaka upo sa kama.
"Paepal ka naman e! Namatay tuloy ako!". Tumayo siya at sinamaan ako ng tingin.
"Wala ka man lang bang sasabihing "thankyou, Kelvin ang pogi pogi mo?" Ha? Kapagod magsulat tapos tatadyakan mo lang ako? Ayan ba yung ayaw maglaro ha?". Aagawin niya sana yung cellphone niya saakin pero agad kong naiwas.
"Bakit? Sinabi ko bang gawin mo 'yan? Tsaka parang utang na loob kopa ah?." Napatingin ako sa kaniya dahil nakakapag taka na hindi siya rumebat sa sinabi ko.
Tumunog yung cellphone ko pero wala akong pakelam dahil naglalaro ako. Hawak nung mokong yung cellphone ko at mukhang nagsscroll base sa nakikita ko na ginagawa ng kamay niya.
VICTORY!!
YES!! Panalo!! Tagal kona ring hindi nakapag laro netong call of duty. Wala na rin kasi akong time para maglaro pa at isa pa nakakatamad din dahil puro trashtalker yung mga nakakasama kong teamates. Mga pabuhat naman.
"Hoy, sino 'tong Kirsten na-" bago pa man niya matapos yung sasabihin niya ay agad ko nang hinablot sa kamay niya yung cellphone ko.
Pag tingin ko ay inistalk na nung gago si Kirsten at friends na kami sa facebook. WHAT THE FCKNG F? KAILAN PA KAMI NAGING FRIENDS??
Tinaas niya yung dalawang kamay niya bilang pagsuko at umiling.
"Inaccept ko lang yung request niya. Mukhang kilala mo naman kasi nakita kong may pictures kayo sa cellphone mo nung tinignan ko photos mo kanina."
Yung pictures na tinutukoy niya ay yung pictures ni Kirsten kapag hinihiram niya yung cellphone ko sa classroom habang nagsusulat ako. Nagppicture siya mag-isa habang ako ay busy kakasulat. Mabilis kasi matapos yung gaga magsagot at magsulat. Matalino siya pero ang pangit ng sulat. Hindi ko na rin denelete yung pictures niya kahit may choice ako dahil maganda siya sa lahat ng kuha niyang pictures.
Inaasar kopa nga siya na Id-delete ko na yung mga pictures niya pero nagagalit siya. Cute niya kayang maasar.
Kung iniisip niyong takot ako sakaniya, duh hindi no. Ayoko lang siyang madissapoint. Oo ayun, friends kasi yung tingin niya sa kung ano man ang meron sa'min kaya sige oo nalang. Hindi naman masakit. Parang nung pinagpalit ka lang sa malapit. Gano'n yung feeling hihi.
YOU ARE READING
Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg)
RomanceNarinig ko nalang yung mabibigat na tunog ng takong ng sapatos na papalapit na alam kong kay Eia yon. Pinaharap niya sa kaniya si Avery at sinampal. "W-why did you fvckng kissed her?!". Kitang kita sa mata niya yung sakit na hindi ko kayang makita...