Chapter 11

1.8K 46 0
                                    

Rosgella

Nagising ako habang uhaw na uhaw. Gusto kong bumangon pero sobrang sakit ng katawan ko. Isama mo pa yung sakit ng ulo ko. Gusto kong uminom ng tubig dahil ang sakit ng lalamunan ko.

Inikot ko yung paningin ko sa paligid pero hindi ako familiar sa lugar- TEKA nasaan ako???! Tinignan ko din yung katawan ko kung may suot pa ba akong damit, confirm. Meron pa. Wala naman sigurong masamang nangyari sa'kin diba? Pero, iba na yung damit ko. Pinakiramdaman ko yung saeili ko, ulo lang yung masakit. Wala ng ibang kakaiba. Please, Lord. Hindi pa ako ready makuhanan ng ano huhu.

Pumikit nalang ako ulit dahil sobrang sakit din ng mata ko. Parang nagtutubig pa nga na mahapdi pero habang ginagawa nakapikit ako ay naamoy ko na naman yung familiar na amoy vanilla kaya muli kong dinilat yung mata ko kaso ang dilim na.

Naramdaman ko nalang na hinawakan niya yung noo ko at nung nakuntento ay may nilagay siyang panyo sa ulo ko kasabay ng pagpupunas niya sa braso ko. Tangina giniginaw ako, hindi sapat tong kumot na nakalagay sa katawan ko. Gusto ko ng cuddle. Charot.

Pag tapos niya akong mapunasan ay pinaupo niya ako nang dahan dahan.
Lumabas siya dahil tumunog yung pinto kasabay naman ng pagbukas  ng ilaw. Binuksan niya yung ilaw at tumambad sa'kin yung taong ilang araw ko nang hindi nakakausap or should I say hindi kinausap.

"What do you need?". Mukhang napansin niyang nahihirapan akong magsalita kaya lumabas siya at pagbalik niya ay may dala siyang baso na may lamang tubig.
Hindi niya inabot sa'kin dahil siya na ang nagkusang magpa-inom ng tubig. Wala rin akong lakas para hawakan yung baso baka mahulog lang at ikagalit niya pa. Mamaya hindi pa ako maka uwi ng buhay e. No, no, no.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya dahil ito ang unang beses na makita ko siya ng harapan at makasama. Ang tangos ng ilong niya. Color brown pala talaga yung mata niya. Medyo makapal yung lips pero yung dimple niya, nasaan?

Hindi ito yung iniisip kong unang pagkikita namin. Nakakahiya ang baho kona yata at mukha pa akong patay na malapit nang ilibing dahil sa kaputlaan. Bakit naman kasi ngayon pa?

"Kumain ka muna at uminom ng gamot pag katapos para magkaro'n kana ng lakas."

Bakit parang ang sungit naman niya? Ibang iba dun sa taong nakakausap ko sa vc or message. Parang hindi ko kilala yung taong nasa harapan ko ngayon, siguro baka galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Ilang linggo na rin yung lumipas pero hindi kopa rin siya kinakausap. Ni "ha" or "ho" ay wala siyang natanggap sa akin.

Sinusundan ko lang yung bawat pag galaw niya. Ngayon naman ay may dala na siyang lugaw. Umupo siya sa harapan ko at sinimulan akong subuan. Siya narin nagpunas nung gilid ng labi ko na medyo may kalat. Namumula na siguro yung pisngi ko sa sobrang hiya or kilig? dahil sa pagiging caring niya sa'kin.

After kong kumain ay pinainom niya na ako ng gamot at tubig. Pinunasan at bihisan niya na rin ako na nung una ay hindi ako pumapayag ngunit napansin ko rin agad na napalitan niya na pala yung damit ko nung basang basa ako ng ulan.

2days na akong nandito sa apartment niya pero hindi niya manlang ako kinakausap tungkol sa ibang bagay. About lang sa kung kamusta na yung pakiramdam ko or kung may kailangan ba ako? Medyo gumagaling na rin ako kaya siguro pwede na akong umuwi sa amin. Alam kong hindi naman nagw worry sa'kin sila mama dahil si Eia na yung nagtext sakanila. Hindi ko nga alam kung siya ba talaga 'tong kaharap ko or douple ganger lang niya, charot.

Nagpa alam siya saglit para lumabas dahil may mga kailangan daw siyang bilhin. Naligo narin muna ako kasi ilang araw na akong walang ligo nakakahiya naman at ang baho baho ko na. Hindi naman siguro siya magagalit ngayon na naligo ako dahil medyo okay na ako.

Nung nakaraan kasi ay nagalit siya dahil ang tigas daw ng ulo ko, bakit daw ako naligo e may lagnat pa ako kaya pag dating ng gabi ang mas lalo siyang nagalit dahil tumaas yung lagnat ko. Nakayuko lang ako nun habang nakikinig sa hinanakit niya saakin. Siguro dinadaan nalang niya sa pamamagitan ng pag aalaga sa'kin habang may sakit ako para makaganti sa'kin sa lahat ng sakit na naramdaman niya sa akin, just kidding lang.

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now