Rosgella
Putanginang dati 'yan. Ngayon sa iba na niya ginagawa 'yang mga 'yan. Iba na yung makakaramdam ng pagmamahal niya na hindi ko napa-halagahan noon. Iba na yung makakaramdam ng kilig at saya ng dahil sa kaniya. Iba na yung itatrato niya ng tama na never kong naipadama. Iba na yung kasama niyang tumupad ng mga pangako. Iba na yung kasama niyang bumuo ng isang masayang pamilya at higit sa lahat, iba na ang makakasama niya hanggang sa huling hininga. Ako dapat yun e, ako dapat. Sa'kin niya pinangako pero naka alay pala talaga para sa iba.
"I told you, don't lingon-lingon there. I got hurt tuloy"
Tinignan ko ng nagtatanong si Kirsten
"I got hurt because you got hurt, gets?"
Naramdaman ko nalang yung pag yakap sa'kin ni Kirsten na niyakap ko rin pabalik. Pero sa hindi inaasahan ay nagtagpo ang mga mata namin ni Mareia na siyang kinalaki ng mata nito. Bakas ang gulat sakaniya.
"I'm...". May sinabi si Kirsten pero hindi ko narinig dahil pumasok na ang mga kaibigan namin sa sasakyan.
Mukhang may tinatanong pa si Mareia pero kaagad na umandar ang sasakyan namin palayo sa kanila. Umayos na rin ako ng upo habang nakatingin sa imahe nilang papalayo na sa amin.
Gustong gusto ko siyang mayakap. Miss na miss ko na siya, pero alam kong hindi na dapat. Kasalanan ko ang lahat kaya hindi ko na dapat siya guluhin.
"Stop thinking about her, nahuhurt rin me makita you na nagcry-cry jan."
Taena talaga oh! HAHAHAHA umiiyak kana tapos biglang maririnig mo yung salita ni Kirsten na akala mo taga ibang planeta.
"Guys, waitt! Stop the car."
"Wow! Taena akala mo talaga bagay sa kaniya. Stop the car pa nga ang yawa HAHAHA".
"Talk to my hand, idiot."
"Why would I? Mukha ka bang kamay?."
Nagsimula na naman po silang dalawa. Haynako, kung hindi lang talaga mag jowa si Deyn at Anna ay iisipin kong sila talaga ni Kelvin para sa isat isa e.
"Magsitigil na nga kayo. Iingay niyo."
"Ay wow? May sumasapaw."
"Hindi kayo kasali bano."
"Mama mo bano!."
"Isusumbong kita kay mama! Bano pala ah."
"Aish! Pasabugin ko kaya yung bunganga mo, baby!?".
"Si Kelvin nala--oo nga. Mag shut up na nga eh."
Nakisali rin kasi si James kaya inawat na ni Myca. Buti nalang andyan siya, kasi kung wala ewan ko paano sila maawat hyss.
"May bibilhin lang ako."
Dali daling bumaba si Anna bago pa man kami makapag salita. Sumunod din sa kaniya yung jowabols niya na mukhang bolbols hihi kasama si Kelvin at.. kirsten and Yoshi?
Si James naman at Myca ay parang walang pake sa mundo. Naglalampungan lang sa backseat. Ewan koba dito, sumama lang yata 'tong gunggong kong pinsan para makipag landian sa jowa niya.
Medyo nabagot ako kahihintay sa kanila kaya bumaba na rin ako para tinggan kung anong pinagkaka abalahan nilang bilhin dahil tuwang tuwa ang mga gago.
YOU ARE READING
Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg)
RomanceNarinig ko nalang yung mabibigat na tunog ng takong ng sapatos na papalapit na alam kong kay Eia yon. Pinaharap niya sa kaniya si Avery at sinampal. "W-why did you fvckng kissed her?!". Kitang kita sa mata niya yung sakit na hindi ko kayang makita...