Chapter 25

1.3K 31 0
                                    

Rosgella

"Huy! Tulala ka na naman! Tangina sabi sayo e, wag siya ako nalang." Pagbibiro ni Deyniel kaya natauhan ako.

Inabutan ako ni Yoshi ng panyo pero kinunutan ko lang siya ng noo dahil hindi ko alam kung para saan iyon.

Nung marealize niya na wala akong balak na abutin 'yon ay siya na ang kusang nagpunas sa mukha ko.

Tangina? Umiiyak na naman pala ako. Umiiyak na naman ako ng dahil sa isang tao na hindi ko naman gusto.

"You should stop crying. Nasasaktan din kasi ako. Magiging okay din ang lahat." Lumapit siya sa'kin at hinalikan yung noo ko.

Narinig ko naman yung mahinang pang aasar ng mga kaibigan ko. Nakita ko nakasimangot si Kirsten kaya nginitian ko lang siya.

Pag tingin ko sa oras ay malapit na palang mag 12 am. Bukas na pala. Ilang minuto nilang pala. Bukas na pala yung anniversary nila. Napangiti ako ng mapait.

"Guys, I need to go. Mauna na'ko sainyo."

"Kaya mo bang umuwi?." Nang mapatingin ako sakanila ay pare parehas yung itsura nila.

Tumayo si Yoshi kasabay ni Kirsten.

"Hatid na kita." Sabay nilang sabi kaya napahawak nalang ako sa sentido.

"No need. I can handle myself. Don't worry, makakauwi ako ng ligtas." Nginitian ko sila pero hindi pa rin nagbabago yung mga itsura nila. "Ano ba kayo? Uuwi lang naman ako." Tumawa pa ako pero nakatingin lang sila sa akin.

"Sige na, alis na'ko."

Lumabas na'ko sa bar at sumakay sa kotse ko. Pina andar ko ng mabagal yung sasakyan dahil medyo may tama na rin ako, pero kaya kopa namang mag drive.

Nagvibrate yung phone ko na agad ko ring chineck kung sino. Binasa ko yung message ni Kirsten saying "Take care, bebe rose. Bond us tom."

Napangiti nalang ako. Tinignan kopa yung oras at 11:59pm na pala. Pag balik ko ng tingin sa kalsada ay siya namang pagblur ng paligid ko at kasabay non ay yung sakit ng ulo ko. Tangina?? Bakit ngayon pa?!

Naramdaman ko nalang na bumunggo yung sasakyan ko. Napahawak ako sa ulo ko at nakita kong ang daming dugo. 12 am na pala dahil tumunog yung relo ko. Kasabay ng pag dating ng anniversary nila ay ang pagkawala ng malay ko.

Third Person Point of View.

Nanginginig ang mga kamay ni Yoshi habang bitbit ang walang malay na si Ros papasok sa loob ng hospital.

"Sana hindi kona siya hinayaang bumyahe. Sana ako nalang yung nabunggo. Hindi siya." Ayan ang paulit ulit na lumalabas sa kaniyang bibig kanina pa.

"Yosh, anong nangyari?." Tanong ni James sa kaibigan ni Ros.

"Sabi kona, hindi maganda yung pakiramdam ko kanina e." Sabi naman ni Anna.

"Nabunggo siya. Kitang kita ko kung paano siya mabilis na bumunggo sa poste." Halos wala sa sariling sabi ni Yoshi sa mga kaibigan.

Nagiiyakan na yung mga kaibigan ni Ros habang siya ay walang malay.

Dumating na rin ang kaniyang magulang kasama ang kapatid niya na tinawagan ni James.

"Anong nangyari sa anak ko? Nasaan na siya?." Sunod sunod na tanong ng ina ni Ros.

Napayuko naman ang mga ito kaya si James nalang ang nagsalita.

"T-tita, nabunggo si Ros sa isang poste. Pinipigilan namin siyang umuwi kanina pero ayaw niyang paawat. Sorry po." Napayuko na rin siya ng tignan siya ng masama nung daddy ni Ros

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now