Third Person Point of View.
"J-james. G-gusto ko siyang makita. Nasaan n-na ba s-siya?." Habang tumatagal ay mas pumapayat at lumalala yung sakit na meron si Ros. Nakangiti man siya palagi pero alam nilang lahat na nagpapanggap lang ito.
"Ginagawa ko yung best ko para hanapin siya, Ros. Onting tiis nalang. Makikita mo rin siya." Sagot naman ni James sa kaniya. Kanina pa nito pinipigilan yung pag iyak dahil sa awa at sakit na nararamdaman para sa kaniyang pinsan.
"Kaya mopa ba, Anak?." Tanong ng kaniyang ina na nagpipigil rin ng luha. Kitang kita ang lungkot sa mga mata nito.
"K-kakayanin kopo m-mama. G-gusto ko muna siyang m-makita bago ako m-mawala. G-gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng k-kasalanan ko sa -kaniya. G-gusto ko siyang mayakap kahit sa huling s-sandali."
Hindi na nila napigilan ang pag-iyak dahil sa sinabi nito habang umiiyak ng dire-diretso.
Hinawakan ni James ang mukha ng kaniyang pinsan bago magsalita.
"I'm so proud of you. I really am. If everyone knew what you were going through right now, they wouldn't know how you're still fighting. You're so strong and amazing. You're doing your absolutely best and I couldn't ask for more. So if you haven't heard this from anyone, I'm so proud of you."
Humalik siya sa noo ng kaniyang pinsan bago mabilis na nilisan ang lugar habang nagtatanong naman ang mga mata ng mga kaibigan nila kung saan na naman siya pupunta.
Mas minadala niya ang paghahanap sa Eia na 'yon dahil na rin sa kagustuhan ng kaniyang pinsan. Napapansin na rin kasi niya na mas lalong humihina ang katawan nito at halata ding pinipilit nalang nito abg sarili dahil sa kagustuhang makita ang taong mahal nito.
Napapagod man ay hindi siya nawalan ng pag asa na makita yung taong hinahanap niya dahil naiisip niya ang hirap ng kaniyang pinsan dahil sa paghihintay.
Nahanap na niya ang Facebook account ni Mareia kaya agad niyang inadd at minessage.
James Anderson: Pwede ba kitang maka usap?
Mareia Chou: Do I know you?
James Anderson: No, but it doesn't matter. I'm Rosgella's cousin.
Sineen lang siya ng dalaga na naintindihan niya naman kung bakit dahil naikwento na sakaniya ng pinsan niya kung anong buong nangyari sa dalawa kaya ganito nalang si Mareia sa kaniya.
James Anderson: please, I badly want to talk to you. In person sana.
Mareia Chou: Stop chatting me. For godsake! I currently committed to my girlfriend and I already move on from your cousin, so stop bothering me. I don't want to hurt my girlfriend.
No wonder nagustuhan 'to ng pinsan niya dahil sa pagiging caring and mapagmahal nito sa taong karelasyon niya.
James Anderson: It's about her condition! Please, just once. Hayaan mo akong makausap ka.
Ilang araw din ang inabot ng pangungulit ni James kay Mareia pero todo tanggi ang isa.
Sa kabilang banda, si Ros naman ay kinakausap ng kaniyang ina.
"Anak, sobra kanang nanghihina. Nasabi na rin ng doctor na-." Nilagay ni Ros ang kaniyang hintuturo sa labi ng kaniyang ina at ngumiti.
"N-napapagod napo ako, m-mama. H-hindi ko na po kaya." Muli na namang umiyak ang kaniyang ina bago siya niyakap. "H-hindi na rin po ako aasa na pupuntahan niya ako d-dito. N-nasaktan ko siya at k-kasalanan ko ang lahat."
"Anak." Ayan lamang ang tanging lumabas sa bibig ng kaniyang ina. Nakangiti siya ngayon pero malungkot pa rin dahil hindi niya nakita yung taong matagal niya ng hinihintay.
"Mahal na mahal kopo kayo, m-mama. Maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal." Nahirapan mang magsalita ay nagawa niya pa ring sabihin iyon. "I-if ever man na m-makita niyo si E-eia. P-pakisabi na mahal na mahal ko siya."
***
"Bilisan mo. Naghihintay yung girlfriend ko sa sasayan." Bagot na bagot na sabi ni Eia kay James na asa harapan niya.
"Si Ros, gusto ka niyang makita. N-nasa hospital siya at ikaw na lang ang hiling niya sa'kin." Napairap naman sa ere si Eia pero hindi pa rin maaalis sa isip niya na nagaalala siya.
"Ano namang kinalaman ko sakaniya? Matagal na kaming walang communication simula nung binalikan niya yung ex niyang cheater, so gross." Naiinis man ay hindi parin mawawala sa kaniya ang pag aalala.
"Please. Sumama ka nalang sa'kin papunta sa hospital. G-gusto ka niyang makita."
"I liked her more than anyone,but done begging to be loved the same way."
"You don't understand."
"Ayoko pa siyang makita. Hindi pa ako handa."
Tila mas nainis si James sa narinig kaya napatayo siya habang pinapakalma yung sarili.
"Kailan kapa magiging handa?! Kapag wala na siya?! Kapah hindi na siya h-humihinga?." Medyo humina yung boses niya sa huling salitang binitawan dahil nagsipag bagsakan na yung mga luha niya. "May sakit si Ros at malala na yung sakit na 'yon. Ayaw niyang ipaalam sa'yo. Ngayon na sinabi ko sa'yo wala na akong pakelam kung sipain, sabunutan at suntukin niya ako. Ni hindi ko nga alam kung kakayanin paba ng katawan niya yun dahil sa sobrang hina na." Nakayuko lang siya habang patuloy na tumutulo yung luha. "She's tired. Her soul is tired. She's losing motivation. She wakes up everyday fighting the same pain and battle inside her head and heart, but she still smiles and acts, as if everthing is fine."
Naguguluhan man ay hindi na rin napigilan na umiyak ng isa. Mas dumami yung tanong sa isip niya. Minessage niya yung gf niya at sinabing may pupuntahan siya.
Hinatak na niya si James papunta sa kotse nito at hindi na hinintay pang magsalita.
Halos sabunutan na niya ang sarili dahil sa nalaman.
Si James naman ay napangiti ng maliit dahil hindi na niya mahintay pang masilayan ulit ang pag ngiti ng kaniyang pinsan.
Nagmamadali silang umakyat sa floor kung nasaan si Ros, at pag dating nila sa tapat ng pintuan nito ay ang nakapag patigil sa mundo nilang dalawa.
________________________________
Don't forget to vote and comment. Thanks!
Team Kirsten or Team Mareia?
YOU ARE READING
Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg)
RomanceNarinig ko nalang yung mabibigat na tunog ng takong ng sapatos na papalapit na alam kong kay Eia yon. Pinaharap niya sa kaniya si Avery at sinampal. "W-why did you fvckng kissed her?!". Kitang kita sa mata niya yung sakit na hindi ko kayang makita...