Chapter 27

1.2K 26 1
                                    

Mareia's Pov.

Hindi ko akalain na yun na pala ang huling beses na masisilayan ko ang maganda mong mukha. Mula sa mata mong singkit at mahahabang pilit mata. Yung ilong mo na maliit pero matangos. Yung labi mo na hindi naman ganon kalaki pero malambot at cute yung itsura.

Nakaupo ngayon habang may dalang bulaklak sa puntod niya. Sinindihan ko muna yung kandila.

Tatlong taon na ang nakalipas pero sobrang sakit pa rin. Sobrang sakit isipin na hindi na pala kita muling masisilayan, mayayakap, mahahalikan at makakasama.

Tandang tanda ko nung nagkakilala tayo. Nagustuhan kita kasi bukod sa maganda ka ay mabait kapa. Onti nalang kasi tayong ganito e, ayy haha. Baka dalawin mo'ko ha? Joki joki lang naman 'yon.

Hindi ko magawang magalit sa'yo sa kabila ng lahat ng sakit na ginawa mo noon, yun pala ay may dahilan naman kung bakit mo ginawa lahat ng 'yon.

Nandito ako habang hawak hawak yung notebook mo na halos mapuno muna dahil sa sobrang daming nakasulat. Muli ko na namang binabasa at dinadamdam na parang nandito kapa rin sa tabi ko at magkasama tayong dalawa. Sobrang namimiss na kita. Sisimulan ko ulit basahin yung sinulat mo.

Palagi ko 'tong ginagawa kapag dinadalaw ko siya. Na para bang binabasa ko rin sakaniya yung kwento naming dalawa at yung mga sakit na pinag daanan niya habang ako ay walang kaalam alam sa nararamdaman niya noon.

Hindi ko alam paano sisimulan 'to. Hindi pa nga tayo nagsisimula pero natapos na kaagad haha.

Nung una hindi naman talaga kita gusto e, kasi nagr reflect yung sarili ko sa'yo. Yung dating ako bago magkaroon ng trauma. Hindi ako sanay na ako yung nakakaranas nun. Yung dating ako na makukulitan ka nalang dahil sa pagiging makulit ko. Yung palaging inuuna yung ibang tao bago yung sarili ko. Yung mas mahal na mahal yung ibang tao kaysa sa sarili niya. Parehas na parehas tayo kaya nga ayoko sa'yo e haha kasi alam kong masasaktan ka lang sa'kin.

Lumipas yung ilang araw, mas napalapit tayo sa isat isa. Hinahanap kita kapag wala ka, pero kapag nandyan kana binabalewala kita kasi alam kong hindi mo kaya kapag wala ako. Alam kong sobrang mali ako sa point na yun. Ayoko kasi talagang mahulog sa'yo at ganon kadin sana sa'kin. Ayokong mas mahulog ka sa'kin dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa kita kayang saluhin dahil dala-dala kopa yung trauma ko na binigay ng ex ko.

Ldr rin kami nun nung nahuli ko siya. Surprise ko sana siya dahil pinuntahan kopa siya sakanila, tapos pag dating ko sa bahay nila kitang kita ko yung kababuyan nila nung ex niya. Sobrang sakit nun para sakin dahil wala akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin siya. Nag effort pa ako para puntahan siya tapos ayun yung madadatnan ko? Sobra sobra yung trust issues na nakuha ko sakaniya. Nahirapan akong magtiwala kahit kanino. Na kapag may sinabi ka sa'kin magdadalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba or minsan nag ooverthink pa'ko.

Ayokong once na maging tayo ay ikaw ang sasalo ng trauma na dala-dala ko. Ayoko yung kapag may sinabi ka ay pag iisipan kita ng masama na kesyo nagsisinungaling ka kahit na nagsasabi ka naman ng totoo. Ayoko yung masasaktan ka dahil wala akong tiwala sa'yo. Pinipilit ko naman e.

I wish I was healed enough before I met you, so you could see the better version of me. I promise you. I'm better than this.

Kaya nga sobra sobra din yung pagtutulak na ginawa ko noon para palayuin ka sa'kin. Kaso habang ginagawa ko 'yun, mas lalo akong napalapit sa'yo. Nasasaktan kasi ako sa twing nakikita at nalalaman kong nasasaktan ka sa'kin.

Hanggang sa humingi ka ng favor sa'kin na magkita tayo. Na kahit ilang araw lang ay hayaan kitang iparamdam sa'kin kung gaano mo'ko kagusto. Alam mo din naman na hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo kaya sinabi mo sa'kin na hihintayin moko. Pumayag ako dahil gusto rin kita makasama at makilala tulad ng kagustuhan mo rin sa akin.

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now