Chapter 41

2K 20 0
                                    

Rosgella

Tanginang bungad 'yan oh. Sana hindi nalang ako nagising pa. Nagising ka nga, pero sila naman ang madalas na magkasama.

Kingina, sarap nilang ibaon sa lupa pero just kidding lang. Hindi naman masamang magbiro ng ganito minsan diba? Lalo na kung gusto mo naman talagang gawin.

Mula pag bangon ko hindi ako dinalaw ni Kirsten. Sobra akong nababanas.

Yung unang beses pa na dinalaw niya ako ay kaagad pa siyang umalis. Don't tell me sinisisi niya ako sa nangyari kay Yoshi? Tangina naman.

Masaya ako nung nalaman kong buhay siya pero naka isang halik siya sa'kin eh. Hindi siya natuluyan dahil ako mismo ang papatay sa kaniya. Eme lang hehe. Himala daw ang nangyari kay Yoshi dahil madami daw balang tumama sa katawan niya at madami ding dugo ang nawala sa kaniya.

Oo kasalanan ko pero hindi ko naman ginusto ah? Nakakainis talaga siya. Ang galing niyang magsabi na mahal niya ako pero sa iba na naman siya naka dikit at ang malala pa ay parang iniiwasan niya pa ako.

Nung nakaraan namang tinry kong dalawin siya ay wala siya sa room niya kaya naisip kong pumunta sa room ni Yoshi and ayun, nakita ko siya dun habang tumatawa. Natigil lang siya nung nagsalita ako. Lumabas pa nga ang walaya eh.

And about naman dun sa crazy bitch na yun, pinatay na ng mga pulis dahil nanlaban at ayaw magpakulong sa kulungan.

"Huy, sama ng timpla ng beshy na yan ah? Sabi sa'yo puntahan mo na kasi eh. Ligawan mo HAHAHA." Sinamaan ko ng tingin si Eia dahil nang aasar na naman siya.

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi nga ako nanliligaw." Sabay naming sabi, kaya tumawa na naman ang gaga.

Ayun kasi ang palagi kong sinasabi sa kaniya kapag sinasabi niyang ligawan ko si Kirsten, alam naman daw niyang gusto ko si Kirsten kahit noon pa. Baliw siya. Ano yun? Mas nauna pang siya ang makaramdam at makapansin kaysa sa'kin?

Iniisip niyo ba kung bakit kami nagka-ayos? Ganito kasi 'yan.

Flashback..

Nagising ako at ang bumungad sa'kin ay ang maliwanag na kwarto.

Wala pa naman ako sa langit diba?

Hindi ka tatanggapin dun, sigaw ng isip ko kaya nahampas ko ng wala sa oras yung ulo ko. Kaagad na tumawag sila mama ng doctor nung nagising ako.

Ang unang taong pumasok sa isip ko ay si Mareia. Hinanap ko siya kaya tinawagan nila siya. Siya ang bukambibig ko bago ako makatulog ulit.

Pag dilat ng mga mata ko ay bumungad sa'kin si Mareia at ang girlfriend niyang si Francine.

"Maiwan ko muna kayo para makapag usap kayo ng maayos."

Lumapit sa'kin si Mareia at nagdadalawang pa siya kung hahawakan niya ba yung kamay ko.

Ngumiti ako sa kaniya na parang sinasabi na okay lang kahit wag na.

"I'm sorry if naabala pa kita. Kanina kasi ikaw kaagad yung unang taong pumasok sa isip ko kaya ikaw yung hinanap ko."

"Until now ba inlove kapa rin sa'kin? Syempre unforgettable ferson ako eh." Narinig ko yung pag tawa niya. "I can't believe na you're still alive talaga."

"Mahabang kwento, pero now na nakita na kita at nakausap na kita ulit ng harapan siguro hindi na matitrigger yung sakit ko dahil hindi na masasakit na ala-alala yung maaalala ko."

"Ito naman oh, parang others. Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka nabaril?".

"May baliw kasing ex yung pinsan ko na si James and ayun, lahat ng nangyari is history."

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now