Chapter 7

2.7K 56 2
                                    

Rosgella

"Oh eto, kumain ka ng madami ng tumaba ka."

Kung ano ano ang pagkaing nilalagay ni James sa pinggan ko pero wala sa kaniya yung focus ko, kung hindi sa cellphone ko. Kausap ko ngayon si Eia. Sobra kong namiss yung pagiging maharot and adorable niya.

Narinig kopa yung ilang "yiie" ng mga cm ko sa'min ni James dahil todo siya pag-aasikaso sa'kin. Tss, papansin talaga. May sarili naman akong kamay e. Oo, yung kamay na ginagamit mo pang landi kay Eia imbis na ipang sandok ng pangkain, sigaw ng isip ko.

Eia:
I miss you so much po. Kelan ba uwi nyo? Namimiss ko na makipag vc sayo :(

Me:
Tomorrow na, Love. Tiis nalang. Buti dito may wifi pero dun sa pinag-stayin naming hotel wala, ang poor nila

Eia:
Just like me. I'm poor too, I'm poor-you and always pooring por you🤪

Natawa na nanaman ako sa pagiging cringe niya. Hindi talaga buo yung araw ko kapag hindi ako nakakatanggap ng message galing sakaniya.

Me:
Hyss, nakatulog kana ba? Mukhang kulang ka na naman sa tulog

Eia:
Tbh hindi pa me nagsleep, love e. Patulog na sana ako kaso bigla ka namang nagchat kaya pinigilan ko muna yung antok ko. I really miss you kasi e.

Ayan, ganiyan talaga siya. Kahit puro kalokohan yung lumalabas sa isip niya, hindi niya parin nakakalimutan iparamdam or sabihin sa'kin kung gaano ako kahalaga sakaniya. Nararamdaman ko yun kahit magkalayo kami at kahit sa message lang niya. Nagpuyat na namann. Ang kulit.

Eia:
Dalawang araw ka ring walang chat. Naintindihan ko naman yun kasi sinabi mo na na baka walang signal dyan. Thankful ako now kasi gumawa ka ng paraan para makausap mo'ko. Hyss bading moments HAHAHA

Napailing nalang ako sa huling linya na sinabi niya. Minsan talaga ay gustong gusto ko na siyang kotongan, nasabi kona rin yan noon sainyo diba?

Eia:
Mukhang busy na yung lalove ko. Tyt na po and I'm going to sleep na rin. 7am na pala ghad. Yari na naman ako neto kay mommy kapag kinatok ako dito sa kwarto. Just take care always, love pero kung hindi mona kaya alagaan yung sarili mo, nandito naman ako hehe. Umaga na naman pero
Imissyou so much pa rin.

Me:
Thankyou for your understanding, love. Nakikita ko in the future na magiging understanding girlfriend ka rin sa'kin. I hope to see you soon. I need to eat narin. I miss you too.

Pasaway ka, umaga ka nanaman nag sleep oh.

Take care of yourself before taking care of me ha?

Goodmorning

Eia:
May pahabol lang ako, love. Atleast diba you start your day with me, thou I'm not totally with you right now but at least napangiti kita kahit saglit. I gotta sleep na, love. Mommy will gonna kill me na *kiss* good talaga yung morning kasi nandyan kana. Kinikilig me so much!!

Nagreact nalang ako ng heart after kong mabasa yung last message niya. Napakakulit and cute niya kasi para sa'kin. Kung kasama ko lang sana siya at kung malapit lang sana siya..

Nagligpit na kami ng mga pinagkainan at nagpahinga muna saglit. Natatawa nalang talaga ako kapag naalala ko yung itsura ni James kanina na akala niya ay maiisahan niya ako pero nagkamali siya. After ko kasing makipag usap kay Eia kanina kakain na sana ako pero nagulat ako nung makita ko yung dami ng pagkain na nasa pinggan ko. Pang isang buong pamilya na sa dami kaya nung nakita kong busy rin si James sa pagkuha ng pictures sa mga kasama namin, pinagpalit ko yung plates namin kaya ang ending, siya kumain nung mga pagkain na nilagay niya saakin kanina habang masamang nakatingin sa'kin. Tinawanan ko lang naman siya.

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now