Chapter 5

3.3K 69 13
                                    

Rosgella

Bago pa man ako maka akyat sa taas ay naabutan ko pang lumalamon yung gunggong kong pinsan sa sala katabi si Jake na kapatid ko. Nakita niya ako kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto at nilock yung pinto. Ayoko nang magulo ngayon.

Nagpalit muna ako ng damit at pabagsak na humiga sa kama. Tsaka ko lamang naalala na nag message nga pala sa akin si Mareia pero nagtataka ako dahil halos lahat ng message niya ay nakaopen. Isa lamang ang hindi, yun ay yung bago niyang message ngayon-ngayon lang.

Mareia;
Kaya pala hindi mo na'ko nirereplayan kasi may kasama ka or may iba kana? Ems.
7:35pm

Yung kaninang message naman niya saakin ay puro kalokohan hanggang sa biglang nagseryoso jan sa bago niyang message.

Mareia:

Hey, goodmorninggg!!!

Eat breakfast before you go to school ha?

Wag mo kong ipagpalit sa malapit kung pangit

Pero basta wag mo ko ipagpapalit!!

Kahit isang reply lang oh, miss ma'am!

Amishimosh, laloves! Open ka naa kahit saglitt

Break time na namin, wala ka paring reply sakin oh, ako paba?

Heyy? Ok ka lang ba, love?

Yah, ilang araw na kaming naglalandian ni Mariea pero hindi ko alam kung ano nga bang meron sa'min, kasi minsan gusto ko siya minsan naman ay parang wala lang siya sa'kin. Masyado siyang possessive sa'kin and masyado niya akong binabakuran kahit wala namang kami.

Nagustuhan ko sa ugali niya ay kapag nakakagawa siya ng mali, never na niyang inulit yon. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan niya 'ko. Grabe din kasi hindi niya pinapalipas yung araw or gabi na hindi kami okay. Gusto niya matutulog kami pareho nang kinikilig or ng may ngiti sa mga labi. Oo, mga daw. Pati yung isang labi daw dapat masaya rin, minsan gusto ko nalang siyang batukan dahil sa pagkapilya niya pero hindi ko magawa dahil masyado siyang malayo. Isa rim yan sa reason kung bakit ayokong sumugal sakaniya. Masyado siyang malayo. Tama na yung traumang natanggap ko noon sa past ko na niloko at pinagpalit ako sa pangit na mas malapit haha.

Ilang beses kona ring sinabi kay Mariea na hindi pa ako ready mag-commit pero hayan siya, ready daw siyang maghintay kahit gaano katagal dahil alam niyang kami ang end game :) odiba? Grabe din pagka-mahangin and delusional niya.

"Go, love! Sarap mo Gella!!" Tatawa-tawang pagsupport sa'kin ng manyak na si Mariea

"Haynako, tigilan mo'ko. Kung hindi ka kasi sana ano edi sana hindi ako magisa dito." Nakasimangot kong balik sakaniya kahit na hindi naman niya nakikita.

Narinig kong napahagikgik siya sa kabilang linya.

"Kaya mo 'yan! Ipakita mo--" Agad kong pinutol yung sasabihin niya dahil nawawalana ako sa focus.

"Shh, wag kang maingay. Malapit na." Nanahimikk naman siya sa kabilang linya kaya nakapag focus na'ko sa ginagawa ko.

3..2..1...

"Yes!! Victory! Nice one, that's my lalove!!" Masayang bigkas niya sa kabilang linya. Paano ba naman kasi? Ako nalang yung palaging natitira sa'min kahit yung mga teammates namin ay paktay na at nanonood na rin sa'kin.

"Ang galing mo talaga, love oh? Ikaw na naman yung topfrag and palagi akong nasa bottom mo. Wag kang mag alala soon ako magiging top sa'tin."

Tawa siya nang tawa sa kabilang linya. Natawa rin ako sa sinabi niya. Kapag kausap ko talaga siya nawawala lahat ng inis ko or palagi akong nagiging masaya. May saltik ba naman kasi yung kausap mo, hindi kaba sasaya niyan?

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now