Chapter 10

2.3K 54 1
                                    

Rosgella

After class ay nagkayayaang mag videoke sa isang malapit na mall dito sa'min kaya forda gala na naman ang mga beshy niyo, pero bago yon ay nagikot-ikot muna kami dito sa mall.  Hatak dito at hatak doon. Punta dito, punta doon. Hays kaya ayoko talaga nang gumagala e mas okay narin 'to para makalimutan ko siya kahit saglit pero nakalimutan ko ring nandito nga pala yung isang asungot.

"Huy can you shupi-shupi there? I want to hold Rose's hand." Speaking of asungot, nandito na naman sa tabi ko habang naka hawak sa braso ko na akala mo batang nawawala. Ang tangkad-tangkas pero hahawak sa braso ng mas maliit sakaniya, so weird.

Siya na rin yung humahatak sa'kin papunta sa kung saan-saan, nagpapatangay nalang ako dahil wala rin naman akong no choice hyss, ang buhay ang parang kamatayan, gusto ko nang kamayin. Ha?

Hindi pa namin napag uusapan yung ginawa niya don sa car niya at mukhang iniiwasan niya ring pag usapan dahil para siyang nagpapanggap na walang ginawa. Kung ano or kung paano siya kumilos gano'n na gano'n din katulad dati.

Nag vibrate yung phone ko kaya chineck ko kaagad.

From: +639********47
May hinihintay pa ba ako? Ang tagal mo namang bumalik, namimiss na kita eh :( But, sige, hnd n ako mag hahabol hindi naman kase to speed run hyss. Sana lang kaya ko din yung ginagawa mo na nakakatiis. #imissu #ghoster

Natawa ako, anong speed run? Siraulo talaga yung babaeng 'yon. Miss kona din siya or should I say yung pangungulit at panlalandi niya, kaso hindi kopa alam kung anong sasabihin ko sakaniya kapag inunblock kona.

Madami pa siyang message kaya binasa ko muna dahil wala pa naman akong ginagawa.

From: +63 9********47
Hi HAHAHAHA

From: +63 9********47
I hate u you're da most hated haters for the life of the universe and university and then universal

From: +63 9********47
#ferson
#Hated
#Gella

From: +63 9********47
For da english of the skull with the bones of science in the university and universal charger in the moment of gravity in mathematics and grammar of london newyork city wisdom of California

From: +63 9********47
Wla k naba tlga balak na kausapin ako? Iisipin ko na talaga na nakita mo yung story ko kgbi. Feel ko tuloy nag seselos k sa knya. Pero tf? Certified siraulo kana kung gano'n, 18 kasi ng ex ko yun and sakto namang bur*l niya.

Napasapo ako sa noo nung nabasa ko yung sinabi niya. So it means dead as in paktay na yung girl?? Omgggggg!!!!

Dapat pala hindi ko nalang binasa yung message niya dahil parang sumakit yung ulo ko e

"Rose, samahan mo nga ako mag cr. Naiihi ako." Hahatakin na sana ako ni Myca pero yumakap sa'kin si Kirsten kaya hindi ako maka alis sa pwesto ko.

"Ano ba, Kirsten? Stop being childish. You don't own her so stop acting like you are." Hinatak ako ni Myca sa kamay papunta sa cr. Dama ko yung masamang tingin sa'min ni Kirsten galing sa likod pero hindi kona nilingon kasi nakakatakot siya kapag seryoso siya.

"Anong own her own ka jan? Hindi ako bagay para angkinin no". Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

"Hintayin mo'ko jan, ros ah? Saglit lang ako." Pumasok na siya sa isang cubicle habang ako naman ay nag ayos ayos saglit. Nag lagay ng onting liptint at nag suklay ng buhok. Hindi rin nagtagal ay lumabas na din si Myca. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako. Sakto namang bumukas nang pabalang yung pinto kaya napatingin kami dun. Kitang kita ko kung gaano kasama yung tingin sa'min mi Kirsten na halos masunog na kami sa sobrang dilim ng mga mata niya.

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now