Chapter 30

1.3K 24 1
                                    

"Shit." Rinig kong mura niya kaya napatingin ako sakaniya at nakita ko yung kamay niyang dumudugo. Sa sobrang panic ko sa Nakitang dugong lumalabas sa daliri niya ay walang pakundangan kong pinasok yung daliri niya sa bibig ko at sinipsip.

Nakatingin lang siya sa'kin habang ginagawa ko 'yun.

"Anong nangyari?." Rinig kong tanong ni James papunta dito sa kitchen. Kaya nilabas ko na yung daliri niya sa bibig ko.

"Nasan yung medical kit mo? ". Tinuro niya naman saakin kaya hinatak ko si Gella papasok sa kwarto na pinang galingan niya kanina pero nagulat ako nung makita kong nandun din yung mga kaibigan niyang si Anna, Kirsten, Deyniel, Yoshi at Kelvin. Tangina pa'no sila nagkasya lahat dito sa kwarto?

Lahat sila ay sabay sabay na napunta samin yung attention. Napatingin sila sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Gella dahil hinila ko siya kanina papunta dito.

"What the? Don't tell me Ros nagkabalikan na kaagad kayo at balak niyo ng gumawa ng baby nga--aray!." Binato ba naman ni Gella si Kelvin ng hawak niyang unan. Akala niyo yung kutsilyo no? HAHAHA pwede rin sana kaso ayokong madumihan yung kamay ng lalove ko.

"Labas." Sabay sabay na nagtayuan yung tatlong lalaki pero yung dalawang girls ay nakatingin lang sa'min pero halatang kinikilig.

May binato si Deyniel kay Ros na agad naman niyang tinapon sa basurahan.

"Protection 'yon Ros bakit mo tinapon? Sayang--Oo na! Ito naaa, lalabas na nga kami e." Dali dali silang lumabas tatlo dahil pinag babato sila ng unan. Pansin ko ring dumikit sa punda yung dugo ng kamay niya kaya kaagad ko na siyang hinila paupo para magamot kona yung sugat niya.

Malalim 'yon kaya tumingin muna ako sakaniya para humingi ng permission dahil lalagyan ko siya ng Alcohol. Kita ko yung pag tutol niya .

"Promise, I'll be gentle." Sabay sabay silang napa ubong tatlo dahil sa sinabi ko. Ano bang bali don?!

Namg marealize ko ay kaagad akong namula. Shutangina. Bakit kasi ayun pa yung sinabi ko?

Dahan dahan kong nilagyan ng alcohol yung sugat niya. Nararamdaman ko yung pag galaw ng katawan niya dahil sa hapdi na nararamdaman kaya ang ginawa ko ay kiniss ko yung daliri niyang may sugat.

"Yiieeee!! Baka manok namin 'yan!." Sigaw ni Kelvin sa labas ng kwarto habang nakasilip silang apat sa pinto na naka bukas. Lahat sila ay nang aasar sa'min kaya mas lalong nag init yung mukha ko. Pansin ko rin yung pamumula ng tenga ni Gella. May talab pa ako sa kaniya. She's not totally moved on. I can win her back.

"Shutup, stupid madafvcker." Natawa ako dahil sa accent niya na agad din namang tumigil nung ang sama na ng tingin niya sa'kin. "May girlfriend siya, so you better respect their relationship."

Huh? Ako? Kailan pa ako nag karoon ng girlfriend? So ang nasa isip niya pala ay kami pa rin ni Francine until now.

"No- she's not." Pinutol niya yung sasabihin ko sa pamamagitan ng pag tapat niya ng daliri sa bibig ko.

Matapos kong magamot yung sugat niya ay ako na ang nag presintang magpatuloy nung niluluto niya. Naririnig ko pa silang nag aasaran sa labas na kinatawa ko habang nagluluto.

"Ano, Ros? Kailan kapa humina? Girlfriend lang yun oy. Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya." Rinig kong sabi nung Kelvin sa kaniya.

"Oo, nga. Papatalo kaba? Tagal mong nasa ibang bansa tapos babalik ka ditong ganiyan? Sasad girl sad girl kajan. Hindi mo bagay." Dagdag naman nung Deyniel

"Kayo, kayong dalawa. Mga bwisit talaga kayo kapag nagsama e. Wag niyong turuan ng kalokohan yang babe ko." Rinig ko yung sabay na pag aray nung dalawa. Sinilip ko sila at nakitang pinipingot sila ni Anna. Ayan deserve. Lakasan mo pa! HAHAHHA

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now