XXIV. When Miss Cousin Arrives

145 7 0
                                    

As the battle goes on, may kakaiba na talaga kaming nararamdaman. I can't really tell kung ano ba iyon, but all I know is that I am not comfortable anymore.

Bigla na lamang tumayo si Jace for an unknown reason, "why?"

"Someone attacked my subordinates, I'll go check outside." Right, may mga demons na tumutulong sa pagbabantay sa labas ng arena.

"I'll go with you," tumayo naman ako pero pinigilan pa muna ako ni mama. "Later ma," sagot ko sa kaniya para maiwasan ang itatanong niya.

Hindi na namin ginamit ang teleportation dahil malapit lang rin naman kami sa entrance nakapwesto. Nang makarating na kami doon, we saw some of Jace's men were lying down, wounded and in pain.

"My Lord," sabay-sabay nilang bati bago yumukod.

"Speak," Jace said with authoritative tone.

"While we were roaming around, we spotted suspicious shadows lurking in this corner. Pero nang makarating na kami rito, without even a seconds karamihan sa amin ay bumulagta." Minerva said, Jace's fourth general.

He has five generals na namamahala ng kanilang kaharian. The fifth general is tasked to handle relationship among kingdoms. The fourth general which is Minerva, is tasked for security of their king. The third general, handles the security of the kingdom. The second general is the king's right-hand, kumbaga assistant. The first general would be the queen or the king's wife, we are not officially married, that's why the first general is in reserved position.

Habang masinsinang nag-uusap ang dalawa ay iniwan ko muna sila, nilapitan ko ang mga sugatan and try to heal them kahit paunti-unti lang. I cannot exhaust myself knowing na may nagbabadyang panganib ang maaring mangyari ngayon.

Di rin nagtagal ang pag-uusap ng dalawa. Tumanggi naman ang iba na gamutin ko sila, baka siguro ginamit ni Jace ang telepathy and warned them. Wala namang problema sa akin ang manggamot, but knowing Jace, he won't let that.

Napag-usapan namin na hiwalay kaming roronda sa paligid ng arena, dalawa lang ang pinili niyang kasama at ang maiiwan ay sasama sa akin. Magpapahinga naman ang iba pang sugatan at maiiwan si Minerva to guard people inside.

Baka hindi ko na maabutan ang laban ng kapatid ko dahil dito.

Humanda talaga sila, kung saan pang may importanteng ganap sa kaharian doon pa nagsisisuguran ang mga kalaban. Kung saan mahigpit ang seguridad, bakit hindi nalang sila sumugod sa mga normal na araw, wala talaga sila sa isip magplano.

"Stop," baballa ko sa mga kasamahan ko.

"What is it, Milady?"

"Something unusual, don't let your guard down." Kanya-kanya kaming handa ng mga armas namin. Mabuti na lamang na kaya kong magsummon ng mga gamit mula sa malayo.

I unleashed my sword as I felt someone is approaching us. I can't see, but I can feel it. A loud sound coming from my sword and someone's sword colliding, echoed everywhere. Maybe it uses invisibility.

Sinipa ko ito sa tiyan, doon ay nawala ang gamit nitong invisibility.

"Susette?" Its Jace's voice from behind. "What are you doing here?" The girl named Susette rushed to Jace and then hug him.

"S-she attacked me"

"What? Ikaw nga 'tong gumamit pa ng invisibility para atakehin ako. Hindi ba?" Pero iniwas lang ng mga kasama ko ang kanilang mga tingin. Anong problema nila? "At tsaka pwede ba, tanggalin mo na ang yakap mo sa asawa ko," taas kilay kong sabi.

Hindi naman ako nagseselos, naiirita lang na parang gusto ko siyang ipalamon ng buo sa pating.

Pero imbes na tanggalin niya ang yakap niya ay mas isiniksik pa nito ang sarili sa kasintahan ko. Napasinghal ako sa ginawa nito, masama kong tinapunanan ng tingin si Jace, na nakaramdam na rin kaya siya na ang nagkusang magtanggal.

ACCIDENTAL ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon