05

8 1 1
                                    

"Girl, lapit na exam. May training padin kayo?" tanong sakin ni Kira.

"Hanggang Saturday nalang."

Ganon lagi tuwing uwian. Diretso ako sa gym para sa training. Nung mga unang training, grabe yung sakit ng katawan ko pero ngayon nasanay na. Ang bilis ng isang buwan. Malapit na ulit ang exam. Kailangan ko na namang magfocus sa pag-aaral.

May recit kami lagi sa Stats. Buti hindi ako masyadong natatawag. Last sem kasi parang ako yung trip ng mga Prof dahil lagi akong natatawag. Nakakasagot naman ako pero minsan, hindi rin pinapalad. Average student lang ako. Sa totoo lang, tamad akong mag-aral noon pero nagsipag ako para walang masabi yung tatay ko sakin. Matalino kasi si Jai at madalas akong nakukumpara sa kanya nung HS. At nagbabaka sakali rin ako na magbabago pa ang isip ng tatay ko tungkol sa pagpapaaral sakin sa College kung matataas ang grado ko.

Dismissal na kaya dumiretso na ulit ako sa gym. Magwa-warm up kami tapos maglalaro na. Maganda naman daw ang performance ko sabi nung coach namin. Sana talaga hindi ako tae-tae sa mismong laban dahil masasayang lang lahat ng hirap ko sa training.

"Huwag mo masyadong lakasan ang tira!" sigaw nung coach namin sa ka-teammate ko. Outside kasi sa sobrang lakas. Lagi siyang ganyan.

"Sorry, Coach!"

Nagpatuloy lang kami. Minsan nami-missed ko yung bola. Minsan naman, may agawan na nagaganap. Feeling Libero kasi yung isang babae. Ayoko talaga siya. Masyadong kinakain yung buong court, e. Akala mo'y siya lang ang mag-isa.

Alas siyete na ulit kami natapos. Dito nalang kami naghubad ng mga shirt namin sa court. Nakasports bra naman kami. Nagpunas lang ako ng pawis, pagkatapos nagbihis na.

"Hi, Roa. May water ka pa?" tanong nung kagrupo ko nang lapitan ako. Ngumiti ako bago kinuha sa bag yung water bottle. Konti nalang 'yon kaya inubos na niya. Nauuhaw pa naman ako.

Inayos ko na ang tali ng buhok ko bago kinuha ang phone sa bag. May text si Tita Emma thirty minutes ago, may duty siya ngayong gabi. Naglalakad na 'ko ngayon palabas ng school nang tumunog ang phone ko.

Erize
Are you done with your training?

ROAr
Oo baket

Miss mo ko agad

Erize
Yeah

Gago. Nagbibiro lang naman ako! Pa-fall talaga 'to, e. Leche siya, fall na fall na kaya ako! Ayokong gawin niya lang akong fling. Gusto ko jowain niya 'ko.

ROAr
Jowain mo 'ko wag mo
kong landiin hmp

Erize
Hahaha

Let's eat

ROAr
Pupunta ako sa bahay ni tita

Next time nalang

Erize
where are you?

ROAr
Jeep

Erize
Dadaan ka ba sa bus stop?

ROAr
Lagi naman.

Erize
good. I'm waiting here

*sent a photo*

ROAr
Hala seryoso ka?!

Dahil doon, sinabihan ko yung driver na bilisan ang patakbo. Nagkunot pa siya ng noo dahil sa sinabi ko. Leche, alam kong wala ako sa taxi o grab pero bilisan naman niya. Naghihintay yung future ko sa bus stop, O! Mamaya umalis 'yon doon.

"Para po!" sabi ko sabay baba.

Nagmadali akong maglakad para makita na si Erize. Nakakahiya namang pinaghihintay ko siya, 'no! Sino ba 'ko? Future girlfriend niya lang naman. Eme! 

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon