10

5 1 1
                                    

"Be ready for the exam next week, Juno," Ms. Fiderille reminded.

Break time ngayon at nag-aya si Kira ng kain pero tumanggi ako. Nakikipaglaro kasi ako nang ML sa mga close kong boys. Ngayon nalang ako nakapaglaro dahil naging busy kami. Saka last na laro na namin 'to na magkakasama, e.

Mabilis lang naman lumipas ang oras at ngayon, uwian na. Iniwan ko na si Kira at pinuntahan si Lorin sa room nila. Sakto namang kalalabas niya lang kasama si Rexis.

"Oy, sabay ako pero pababa lang sa bus stop," bungad ko kay Lorin.

"Oo naman," aniya.

"Saan ka ba pupunta? Sakin ka nalang sumabay," alok ni Rex.

"Wala ka namang kotse, tanga," sabi ko.

"Dala ko kotse ng Tito ko, skrrt!"

Kay Rexis na 'ko sumabay kasi along the way lang naman ang bababaan ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa bahay. Kakausapin yung tatay ko tungkol sa College," sabi ko para hindi na siya magtanong.

At hindi na nga siya nagtanong pa.

"Edi, doon nalang kita ihahatid. Bakit sa bus stop pa?" pagtataka niya.

"Nakakaistorbo pa, e," sagot ko.

Tahimik kami pareho at hindi ako sanay roon. Imagine, kami pang dalawang maingay sa grupo ang magkasama ngayon pero ni isa sa amin walang kumikibo.

Si Rexis, pasaway. Lumagpas sa bus stop na bababaan ko dapat! Sinabi na ngang doon nalang ako, e.

Nung nakarating na kami, nagpasalamat na 'ko at kumaway kahit nasa loob pa ako ng kotse.

"Matagal ka ba? Gusto mo antayin na kita?" tanong niya.

Inismiran ko siya. "Crush mo 'ko, Rexis, ah."

"Puta. Kahit bigyan mo pa 'ko isang milyon, 'di ako papatol sayo!" biro niya, tinaboy-taboy ako. Tumawa ako nang malakas.

"Gago! Ang pangit mo. Sige, bye! Salamat sa pasabay, pareng dugyot," sabi ko, malapad ang ngiti.

Nang-asar pa ang gago bago umalis. Tarantado talaga, e.

Pumasok na 'ko sa loob. Hindi ko sigurado kung andito si Papa ngayon.

Si Jai na masarap ang upo sa sofa ang nakita ko. Tinaasan agad niya 'ko ng kilay.

"Nandito ba si Papa?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Nasa kwarto. Bakit?"

Punyeta 'to, kung maka-bakit akala mo ibang tao ako. Hindi ko na siya sinagot at dumiretso nalang sa taas para puntahan si Papa. Hindi naman kasi ako magtatagal dito. Kakausapin ko lang siya, pagkatapos uuwi na agad.

Kumatok muna ako. Nung narinig kong sinabi niyang 'come in', saka ko binuksan ang pinto para makapasok.

Nadatnan ko siya na nakaupo sa kama habang hinihimas ang dibdib niya. Tinabi ni Alor yung baso ng tubig na ininuman ni Papa.

"Okay ka lang, Pa?" una kong tanong.

Nag-angat siya ng ulo sakin. "Ikaw pala, Roa... I'm fine."

Nandito lang ako sa pintuan, nakatayo.

"Can we talk?" I asked. "Tayo lang pong dalawa."

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon