15

3 0 0
                                    

"Bitch, I'm scared."

Paakyat na kami ni Kira sa pangatlong palapag kung nasaan ang lecture room. Unang araw namin ngayon at kung hindi niyo lang alam, kabang-kaba na talaga ako. Sobrang kapit ko sa braso ni Kira ngayon habang naglalakad dahil ayokong mahiwalay sa kanya. Naiirita na nga siya sakin, e.

"Para kang tanga, Roa. Bumitaw ka na," iritang utos ni Kira sakin. Ginawa ko naman.

"Kita mamaya, ah? Huwag mo 'kong iiwan!" sabi ko. Duh, knowing her, kaya niyang gawin sakin 'yon, 'no! Sasabay lang kasi ako sa kanya for one week hanggang sa makabisado ko na ang way. Gustuhin ko mang sumabay nalang kay Kira sa loob ng anim na taon, hindi ko magagawa dahil malayo pa ang tatahakin niya papunta sa bahay ni Lorin. Nakakahiya naman kahit kaibigan ko siya.

I took a deep breath before entering that damn lecture room. Konti palang ang tao sa loob na nakawhite uniform din gaya ko. Siyempre Vet student nga, e.

Naghanap agad ako ng vacant na sa tingin ko ay kumportable ako roon. Ayon, naglakad ako sa pinakataas na walang tao. Pataas kasi yung style tapos mahabang table per row. Mabilis akong nagnap dahil ayokong makita ang mga kaklase ko.

"Is this seat vacant?"

Napaangat ako ng ulo dahil sa nagsalita. Ako kasi yata ang tinatanong. "Ah... oo," naiilang kong tugon sabay ngiti sa kanya. He just nodded before sitting beside me.

Hala. Hindi ako pwedeng magtaksil sa Erize ko. Ba't kasi ang gwapo nitong katabi ko? Pota. Ang dami namang vacant, ah? Seryoso, ang gwapo talaga niya. Matangos ang ilong niya pero hindi sobra. Maputla lang yung labi niya. Yung buhok niya mukhang natural brown, slight lang. Ganon din ang mga mata niya tapos may eyeglasses pa siya. Maputi pa siya.

"Are you staring at me?" he asked. Napatingin agad ako sa kanya. Hala, kanina lang 'yon, e! Grabe namang vision 'yan. Kala ko ba malabo mata niya?

"Ha? Ako? Hindi, ah! Ba't naman kita tititigan?" pagsusungit ko sabay irap. Gago, ang gwapo pati nung boses.

Narinig ko siyang tumawa nang marahan dahil sa reaksyon ko. I swear, lilipat talaga ako ng puwesto. Baka ma-crush ko ng wala sa oras edi lagot na 'ko sa boyfriend ko. Marupok ako pero hindi ko naman ipagpapalit si Erize!

"What's your name?" he asked, walang bago sa ekspresyon. Wow, para kaming Gradeschool na nagtatanong ng name pagkatapos kami na yung magiging friends.

Nagkunot noo ako. "Roa Zinn Cruz. 19 years old. 5'5 ang height ko. May boyfriend. Ayan, kumpleto na."

Natawa ulit siya. Nakakatawa ba 'ko? Infairness, masayahin siya. Mabilis sigurong mapatawa 'to. Friendly din kaya why not siya nalang kaibiganin ko rito sa school na 'to? Hindi kasi kami magkaklase ni Kira kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina.

"Oh, may boyfriend ka?" he asked again, parang hindi naniwala.

Siningkitan ko siya. "Aba, bakit? Sayang 'no hindi mo na 'ko malalandi. Ayos lang naman tapos isikreto nalang natin sa kanya." Kinindatan ko siya at ngumiting parang manyak.

He shook his head. "Stupid."

I laughed. Wala pala siya, e. Ayoko na nga. Mamaya mahulog sakin 'to. Hindi ko siya masasalo, 'no!

"Biro lang. Ikaw, anong pangalan mo?" I asked. Aba, kanina pa siya nagtatanong sakin.

"Iver," he simply answered. Ang boring naman kausap nito. Hindi man lang ginaya yung sinabi ko kanina. Ayon, pagkatapos no'n hindi na 'ko nagtanong dahil wala naman akong pake sa lovelife o buhay niya sa ngayon. Baka sabihin niya pang interesado ako sa kanya.

Orientation lang ang naganap ngayong araw pero may subject kami na may discussion na starting tomorrow. Ganon lang kabilis. Nung nagdismissed, lumabas na agad ako para puntahan si Kira sa tapat ng room niya. Saglit lang akong naghintay at nakita ko na nga siyang lumabas. Aba, may lalaki na agad!

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon