22

6 1 1
                                    

Hindi ko alam kanina kung pwede padin ako makaramdam ng galit pagkatapos kong mapagtanto na anak niya yung bata. Alam ko moved on na 'ko pero ngayong naalala ko na naman at nasa harapan ko pa silang dalawa, naiinis na naman ako. Ang sakit pala talaga. Masakit sa parte ko.

Kung walang nangyari at walang bata, kami padin sana ngayon. Pero hindi naman ako nagsisisi. Tama lang ang desisyon na nagawa ko noon para sakin.

"Bad mood, huh?" bungad ni Mathias sakin pagkapasok ko palang sa lobby.

"'Di. Masakit lang ulo ko," pagsisinungaling ko. "Si Kira?"

"Nakaalis na," sagot niya. Tumango ako saka dumiretso sa kwarto ko.

Grabe, narealize ko na hindi man lang siya nagpasalamat sakin kanina! Kung hindi dahil sakin, nanakaw na yung anak niya.

Magkikita pa kaya ulit kami? Ang tagal na rin. Anim na taon? Ayoko lang aminin sa sarili ko pero masaya naman ako for him. Ang daya kasi. Ang saya nila pero ako ganito padin.

"Kain ka madami! Ingat po kayo," sabi ko sa pasyente bago nagpaalam sa amo.

"Maraming salamat, Doc! See you sa next vaccine ng baby namin," aniya bago tuluyang umalis.

Last patient ko na 'yon kaya umupo muna 'ko sa upuan para makapagpahinga konti bago umalis. Hindi naman nakakapagod ang araw na 'to kaya sandali lang akong nagpahinga.

Ano ba 'yan, ayoko talagang gabi yung uwian ko kasi inaantok ako sa biyahe. Mas preferred ko ang umaga ang uwian kasi kapag nakauwi naman ako galing work, matutulog lang ako magdamag hanggang sa duty ko na ulit ng hating gabi.

Pero ang pangit pala ng schedule ng paggising, pagtulog, at pag-kain ko. Masama yata yung ganito pero dalawang taon naman na 'kong ganito pero hindi pa naman ako namamatay.

Tulog na yung mag-ina pag-uwi ko kaya hindi na ako nag-ingay at natulog na rin agad pagkaligo. Kinabukasan, tanghali na 'ko nagising dahil sa hating gabi pa ang duty ko. Kumain na ako agad at kumilos dahil susunduin ko na yung bata.

Habang nasa daan ako, naisipan kong huminto sa MCDO para bilhan si Brent ng lunch niya. Wala kasing pagkain sa bahay dahil hindi ako nagluto. Bumili nga lang ako ng lutong ulam sa kanto, e.

Nakuha ko na ang order ko at aalis na sa pila kaya lang naapakan ko yung nasa likod ko kaya mabilis ako humarap sa kanya.

"Gosh, sorryㅡ"

"Roa?" Hindi niya pa sigurado.

"Ate Zoey!" masayang sabi ko.

"Wait lang, oorder muna 'ko!" aniya kaya humanap muna 'ko ng bakante para hintayin siya.

Gosh, simula naghiwalay kami ni Erize, hindi ko na rin sila nakita at nakausap. Sobrang tagal na! Akala ko nga hindi ko pa siya makikilala dahil medyo mas nagmature na ang itsura niya. Yung buhok naman niya mahaba na at kinulayan na niya ng Ash Blonde. Sobrang bumagay sa kanya dahil makinis at maputi rin siya.

"Grabe, long time no see, Roa! How are you?" pangangamusta niya. Sobrang lapad ng mga ngiti ni Ate Zoey. Halatang natutuwa siyang makita ulit ako.

Kami kasi ni Ate Zoey, parang friends na kahit limang taon ang agwat namin. Ang cute niya lang kasi hindi siya nagbago maliban sa physical appearance niya.

"Vet na 'ko, Ate. Natupad naman yung pangarap ko. Kayo kamusta?" sabi ko.

"Nothing new. Mahal padin ni David," aniya sabay ang tawa kaya natawa rin ako. "Saan ang punta mo?"

"Yung school malapit dito. Susunduin ko yung pinsan ko," sagot ko.

"Oh, same! Susunduin ko si Zoella," aniya. Hindi na kami nagkwentuhan pa at lumabas na para masundo na namin ang susunduin. Dismissal na nang mga 'yon ngayon.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon