24

4 1 3
                                    

"Thank you again."

Ayoko na sanang tumuloy dahil wala rin akong balak pero nagpumilit siyang pumasok ako at saluhan silang kumain ni Wendy.

Naaanxious talaga ako ngayon dahil baka dumating si Coleen. Ayoko namang makipag-away. Pero napansin ko lang, parang si Erize lagi ang nag-aalaga sa bata. Wala ba siyang trabahong ginagawa?

Tama nga siya. Marami akong bagay na gustong itanong pero hindi ko magawa. What if isipin niyang gusto ko pa siya kaya gusto kong malaman lahat? Nakakahiya dahil iisipin niyang ako yung nang-iwan pero naghahabol ako ngayon at ang dami kong katanungan. Pero hindi naman ako naghahabol. May pamilya na siya, sisirain ko ba? Hindi pa naman ako desperada.

"Nasaan Mommy mo?" I asked the kid, smiling. Nakikipaglaro ako sa kanya ngayon habang si Erize nakaupo sa sofa, nanonood yata. Hindi ko naman siya tinitingnan dahil baka kung ano pa'ng isipin niya.

"Work! That's why I always have to stay with Daddy," she answered. Ah, kaya.

"Sinong kasama mo kapag nagwowork si Daddy?"

"He has no job, Tita Roa. That's why I have unlimited time to play with him," natutuwang sabi sakin.

Napatingin agad ako kay Erize dahil sa sinabi ni Wendy. Hindi ko alam wala siyang trabaho. Kaya pala lagi niyang kasama ang anak niya.

Tumingin din siya sakin saka sinabing, "I resigned."

Bahagya akong napakunot pero umiwas na rin agad ako ng tingin. Hindi ko na siya tinanong dahil wala ako sa posisyon para tanungin ang bagay na 'yon. Personal na kasi 'yon.

Pero bakit? Kasi walang mag-aalaga sa bata kung pareho silang magtatrabaho? Ano ba 'yan, may bago na naman akong iisipin. Sana hindi ko na tinanong.

Lumuluwag na ang schedule ko sa hospital dahil sasama na 'ko kay Kira sa Laguna. Doon nalang din ako magtatrabaho para makaiwas sa maraming bagay. Sabi ni Kira tahimik daw roon kaya sa tingin ko mas healthy. Hindi ko pa nakakausap si Tita tungkol doon. Gusto kong lumipat sa Laguna pero iniisip ko padin si Brent dahil walang magbabantay.

Lumipas ang mga araw. Nasa bahay lang ako ngayon dahil bukas pa ang trabaho ko. Opportunity ko na rin ito para makapagpahinga. Kumpleto kami ngayon dahil mamayang gabi pa ang duty ni Tita. Naglalaptop lang ako ngayon dahil may inaayos sa mga pasyente ko.

"Ay, Tita Emma, lilipat na po pala ako sa Laguna. Sa clinic ni Kira na ako magwowork," pag-open ko.

"Ganon ba? Doon ka na rin ba titira?" tanong ni Tita.

"Opo. Hanapan ko nalang si Brent ng tagabantay," offer ko.

"Kailan ang alis mo rito?" she asked.

"Wala pang exact date pero malapit-lapit na rin po," sagot ko.

Nung sumapit ang hapon, nagpalit na 'ko ng leggings, sports bra, at jacket para makapagjogging. Kanina kasi sanang umaga ako magjojogging kaya lang late na ako nagising. Nagpaalam na 'ko kay Tita at pumunta sa lugar kung saan ako magjojogging.

Isang oras na 'ko pabalik-balik. Pawis na ang buong katawan ko kaya huminto muna 'ko para uminom ng tubig. Humanap ako ng bench saka umupo roon. Nakakahingal. Ngayon nalang ako nakapagjogging dahil madalas wala akong oras.

Nagpapahinga lang ako nang may lumapit na tuta sakin. Wala naman akong pagkain pero parang nanghihingi siya sakin ngayon. Ang payat na niya at puro galis pero hindi naman iyon naging dahilan para hindi ko siya hawakan. Sanay na 'ko.

"Gutom ka na?" I asked the puppy. I stood up and let him follow me.

Pumunta ako sa pinakamalapit na convenience store. Naghihintay yung tuta sakin sa labas. Bumili lang ako ng 2pcs chicken na may dalawang kanin din para mabusog siya. Humanap ako ng kahit na anong pagkain na nakalagay sa tupperware para sana doon ko ilalagay ang tubig niya. Pagkabayad ko, lumabas na 'ko agad.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon