03

9 1 4
                                    

Kumakain kami ngayon sa silog. Siya ang nagdesisyon na rito kami kaya pumayag nalang ako. Isa pa, kahit ano namang pagkain pinapatos ko. Hindi naman ako mapili.

"Kaibigan mo pala si Adren," pag-open ko ng topic.

Tumingin siya. "Yeah. And you're friends with Akira pala." Tumawa siya. "Small world."

Tumango lang ako.

Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ulit. Masyado ko na tuloy ina-assume na siya na yung biyaya ni Lord sakin this year. Kapag talaga nagkita ulit kami, maniniwala na akong meant to be kami.

"Uhm, mayaman ka ba?" I asked out of nowhere.

He chuckled. "Why?"

"Alam mo, hindi kasi ako mayaman at gusto lang kitang i-inform para hindi ka ma-disappoint," sabi ko. His forehead creased sabay bahagyang ngumiti. Ngayon, halatang natatawa na siya pero pinipigilan niya. "Sandali, hindi naman future ang iniisip ko! Ano... Ibig kong sabihin ay huwag mo na 'kong landiin kasi wala kang mapapala! Ang landi mo kasi!"

Tumatawa siya at nakatingin lang sa mga mata ko. Puta, nakakahiya naman! Ano ngayon kung future na agad ang naiisip ko? Feeling ko kasi sa kanya na ang bagsak ko kaya huwag niya 'kong i-judge!

"I didn't say anything!" he defended, natatawa.

"Pota, bahala ka nga!" naiinis kong tugon.

Gusto ko lang naman kasing malaman dahil baka mamaya ayaw niya sa mahihirap. Hindi naman ako mahirap. Pero nagtatrabaho ako para sa future ko na para bang wala akong pamilyang inaasahan.

Tinanong niya 'ko kanina kung pwede niya 'kong samahan makauwi sa bahay. Pumayag ako. Sa tingin ko naman hindi siya masamang tao at ang ganda ko naman yata kung ako pa ang mapili niyang gawan ng masama. Gwapo nga kasi siya.

Nasa tapat na kami ng bahay ngayon.  Nakatingin lang siya sa bahay namin na para bang nakita na niya iyon dati.

"Papasok na 'ko sa loob. Salamat, Erize?" awkward na sabi ko. Ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya.

"Do you live here?" he asked with full of curiosity on his face. I nodded. "Are you... the daughter of Dr. Desiree Cruz?"

Agad akong napakunot ng noo sa gulat dahil sa narinig kong pangalan mula sa kanya. I quickly nodded, confused.

"Bakit?"

"She was my Mom's friend," he replied.

Lumipas ang ilang araw at ngayon ay araw na ng mga patay. Duty ata ni Papa mamayang gabi kaya hindi siya makakadalaw kay Mama. Wala siyang break kahit Holiday ngayon.

Kahit gusto kong kumain ng breakfast, mas pinili ko nalang na huwag dahil feeling ko wala akong karapatang galawin ang mga pagkain sa fridge. Gusto ko nga rin manood sa sala kaya lang baka bawal akong mangielam kahit na sahod naman ni Mama ang pinambili sa T.V.

Nandito lang ako sa kwarto ko hanggang sa sumapit ang tanghali. Kumatok sa pinto yung asawa ni Papa at sinabing kakain na kaya tumayo na 'ko at inayos ang buhok ko. Nakapantulog pa 'ko pero hindi na 'ko nag-abalang magpalit.

"Hon, mamayang gabi pala dadalaw ako sa magulang ko. Bukas pa ang balik namin ni Jairin," sabi ni Alor, stepmom ko.

"Ikaw, Roa, dito ka lang ba sa bahay?" tanong ni Papa sakin. Biglang tumingin sakin si Alor nang masama sabay tingin kay Papa.

"Hon, hindi siya pwedeng maiwan mag-isa rito. Baka may kuhanin pa 'yang gamit dito," bulong niya sa tatay ko na narinig ko naman. Sana kung bubulong siya sa susunod hinaan niya pa.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon