13

5 1 0
                                    

From: Erize

Goodmorning, babe

To: Erize

Morning bebelabs hihi. Kakadilat ko lang

To: Erize

Ligo muna 'ko ;) mamaya na landian mwua

Hindi ko na hinintay ang reply niya at dumiretso na sa CR. Alas sais palang ngayon ng umaga kaya tulog pa si Lorin. Bakasyon na!

Nagbihis lang ako ng high-waisted black shorts at red halter top. Nakasandals lang din ako since beach ang pupuntahan. Inimbita ako kahapon ng Kuya ni Erize sa swimming nila with some relatives. Hindi naman ako nakatanggi kaya sasama ako. Medyo nahihiya nga ako dahil hindi ko naman kilala ang mga 'yon. Pero ayos na ring sumama para makilala ko ang relatives nila.

Nagluluto ako ngayon ng breakfast para kay Lorin. Tulog padin ata siya hanggang ngayon. Nagawa ko pang magsangag ng kanin at magluto ng hotdog pati itlog. Kumain lang ako konti para magkalaman ang tiyan ko. Tuyo nga sana ang lulutuin ko kay lang nakaligo na 'ko.

"O, kumain ka na rito! Nagluto ako," bungad ko kay Lorin na kakagising lang.

"Naka-enroll ka na ba? Puro ka landi," sabi niya. Dati nung wala pa akong jowa, lagi niya 'kong pinu-push na humanap ng kalandian. Minsan nga siya pa 'tong naghahanap para sakin, e.

"Gaga, sasabay ako kay Kira sa pag-eenroll," tugon ko. Nasabi ko naman na kay Papa 'yon kaya nagtransfer siya ng pera sa account ko para sa enrollment. Wala pang nababanggit si Kira sakin kung kailan, e. Pagkatapos kong hugasan ang plato ko, saktong narinig ko na ang busina ng sasakyan mula sa labas. Si Erize na yata. "Sis, aalis na 'ko, ah?"

"Ingat ka. Huwag kang magpabuntis, ha!" paalala niya. Kinuha ko na ang bag ko sa taas at bumaba nadin agad. Dumiretso muna 'kong kusina para makapagpaalam pa kay Lorin. Bumeso ako sa kanya dahil bukas pa kami magkikita ulit. Overnight kasi.

"Swimming lang gagawin namin, gaga! Bye!" sabi ko bago tuluyang lumabas.

Si Erize na nga ang naghihintay sa labas. Pumasok na agad ako sa front seat para makaalis na kami. Ang gwapo naman ng bebe ko! Nakaputing polo siya ngayon na open ang ilang butones sa dibdib at itim na mid-thigh shorts. Messy hair pa! Ako rin dahil hindi pa ako nagsusuklay. "Hi! Are you single?" biro ko.

He shook his head. "Sorry, I'm taken," then he smirked. Aba, talagang taken siya! Kung sinabi niyang single, masasakal ko talaga siya.

Laiya, Batangas ang punta namin ngayon. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe papunta roon pero ngayon palang inaantok na 'ko. Gusto kong matulog pero hindi ko alam anong posisyon. Pwede namang i-higa itong backrest pero ayoko.

"What? Are you sleepy?" he asked. Pansin niya yata ang mga hikab ko.

Tumango ako. "Kiss mo 'ko para magising ako," biro ko. Pero gusto ko talaga.

"No. I'm driving," reply niya. Napasimangot naman ako. Tumingin nalang ako sa bintana para hindi ako antukin. Kahit pa puro sasakyan lang ang nakikita ko, wala naman akong magagawa. Alangan namang titigan ko ang mukha ni Erize? "Borrow," sabi niya kaya napalingon ako. Bigla nalang niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at hinawakan iyon. "I'll just hold your hand since I'm still driving."

Ngumiti ako. "So, aasahan ko 'yang kiss mo mamaya, ah?" Tumawa lang siya nang marahan. Hindi ko na binilang ang oras ng biyahe. Nakarating na kami sa destinasyon namin. Wala akong ideya kung gaano karami ang relatives ni Erize na makakasama namin. Nagpark na siya sa tabi ng kotse ni Kuya David at sabay kaming bumaba. Siya nadin ang nagbitbit sa backpack ko.

"Hindi pala kasama si baby Zoella?" I asked the obvious to Ate Zoey. Lumapit siya sakin at nakipagbeso.

"Hindi, e Saka na siguro," reply niya. Naglakad na kami papasok sa loob nung beach resort. Gusto ko sanang hawakan yung kamay ni Erize kaya lang busy ang pareho niyang kamay sa bag namin.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon