18

3 1 0
                                    

From: Erize

I'm here outside.

Wala pa yatang thirty minutes simula nung nagtext ako sa kanya pero nandito na siya ngayon.

Inayos ko ang itsura ko sa salamin dahil baka halata pang umiyak ako. Binuhat ko na ulit si Brent at yung bag ko saka bumaba. Wala na si Papa sa sala at si Jai nalang kaya mabilis akong nakalabas.

"Akala ko busy ka?" bungad ko na may ngiti.

"I am. But priority first," aniya saka pinaandar ang kotse.

"Uy, doon ako sa bahay niyo, ah?" sabi ko dahil baka akala niya kay Tita ako magpapahatid.

"Okay."

Gustung-gusto sumilip ni Brent sa labas kaya nakatayo siya sa hita ko. Nakakatuwa kasi gusto na niya makapagsalita. Bilang pinsan niya, hindi na rin ako makapaghintay na lumaki siyang gwapo.

"I know you're not okay." Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

"Ha?" patay-malisya ko.

"What happened?" he asked, worried.

"Wala, ah. Bakit? Do I look like I am not okay?" I asked.

He nodded. "You fought with your sister again?"

"What's new? Kapag uuwi ako roon, asahan mo na 'yon." Kasi totoo naman.

"Then, it's better if hindi ka na babalik doon. I don't want you to get hurt. Physically and mentally," he said.

"Baliw, ayos lang ako. Mas malakas yata ako kay Jai," ani ko, nakangiti. He just sighed.

Siya na talaga yung best boy for me. Ang protective na tao ni Erize. Hindi ko yata kakayanin kapag naghiwalay kami.

Wala namang sinabi si Papa na hiwalayan ko si Erize. Pero kahit sabihin niya, alam kong hindi ko gagawin iyon dahil mahal ko si Erize. At walang rason para saktan ko siya. Alam kong sinabi na noon palang ni Papa na bawal kaming pumasok sa relasyon ni Jai hanggat hindi pa kami tapos sa pag-aaral pero nabihag na agad ni Erize ang puso ko nung panahon na 'yon kaya hindi na 'ko nakapigil. Ang gwapo ba naman, sinong pakakawalan siya, diba?

Kaya puro landi lang ako kasi bawal naman ako magboyfriend. Yung una ko namang boyfriend, sandali lang iyon at tago lang.

"Don't you want to jog?" he asked, hugging me from behind. Inaantok pa 'ko. Ni hindi ko pa nga magawang dumilat ngayon.

"Anong oras na ba? Mamaya na," antok kong saad.

"It's already 5:30am. Mainit na mamaya," aniya. Ako naman ang nagsabi kahapon na magjogging kami dahil feeling ko ang taba ko na, pero hindi ko padin pala talaga kaya gumising ng maaga. Tinatamad tuloy ako bigla.

Mukhang gusto niya rin talaga magjogging kaya bumangon na 'ko at nagpalit ng suot. Parang subdivision itong tirahan nila Erize kaya rito lang kami nagjogging dahil malaki naman dito. Nagjogging lang kami hanggang sa masakit na ang init ng araw sa balat.

First jogging ko 'to with him! Sana may mga susunod pa kasi naenjoy ko talaga. Parang hindi ako napagod kasi kasama ko siya.

Weeks have passed. On the way ako ngayon sa bahay nila Kira. Doon mismo sa bahay nila dahil wala na siyang kasama sa tinitirahan nila ni Daphne noon. Hindi ko talaga akalain na mauuna pa sakin mabuntis 'yon. Sa aming apat nga, siya itong pinakamatino.

Kumpleto kaming lahat ngayon. Sa pagkakatanda ko, si Kira iyong nag-aya sa bahay nila. Hindi ko talaga alam ang gagawin basta sumama lang ako. Tuwing may ayaan namang nagaganap sa'min hindi pwedeng wala ako.

"Ano bang gagawin? Meeting?" tanong ni Rexis, nagtataka sa pagtitipon namin ngayon.

"Wala. Pwede ka namang umalis kung naiinip ka na," ani Kira. As usual.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon