01

10 1 0
                                    

"Gusto ko na magcollege. Tinatamad na 'kong mag-aral," sabi ni Lorin.

I sighed. "Same. Gusto ko na magkaroon ng sarili kong pera."

"Pera lang pala, e. Ayan O, si Shaun at Trevor," sabat ni Rexis.

Pera? Wala ako niyan. Pero mayaman ang pamilya ko. Gusto ko na makapagtapos para naman mabuhay ko na ang sarili ko. May pamilya ako pero pakiramdam ko ay wala.

Kakatapos lang ng exam ngayon kaya kinuha ko na ang bag ko. Kinuha ko agad ang phone ko at pagtingin ko, puro missed call na si Tita Emma. Gago, yari ako nito!

"Roa, wait mo 'ko!" Tawag sa 'kin ni Kira. Nilingon ko siya agad para sagutin.

"Gagi, sorry! Nagmamadali ako!" I gave her an apologetic smile. kumaway na 'ko at tuluyang lumabas.

Wala naman akong kotse kaya nagcommute lang ako. Hindi uso sa 'kin ang grab o taxi dahil wala akong pambayad. Pang mayaman at maaarte lang 'yung gano'n, e. Alam kong nagmamadali ako pero hindi talaga ako gumagastos kapag wala sa plano.

Mabuti nalang at hindi ako naghintay nang matagal doon sa bus stop kaya nakarating agad ako sa bahay ni Tita Emma, kapatid ng nanay ko. Nagmadali akong pumasok sa loob dahil alam kong late na siya sa trabaho niya. Ngayon lang ako na-late sa pagpunta rito kaya baka magalit siya sa 'kin.

"Tita, sorry po! Patapos palang 'yung exam ko nung tumatawag kayo," paliwanag ko at agad siyang nilapitan para kuhanin si Brent na umiiyak.

"O sige. Mauuna na 'ko, ah? Maraming salamat, 'nak," ani Tita saka lumabas ng bahay.

Buhat ko si Brent ngayon habang pinapatahan. Ni hindi ko pa nailalapag ang bag ko sa sofa o kahit sa sahig man lang. Nataranta talaga ako kanina dahil akala ko pagagalitan ako. Mahalaga talaga ang oras sa 'kin lalo na sa tuwing pupunta rito dahil hindi pwede ma-late si Tita sa trabaho niya.

Ganito ang buhay ko. After dismissal, hindi ako sa bahay ni Lorin dumidiretso kung 'di rito. Hindi iyon alam ng mga kaibigan ko maliban kay Lorin. Halos lahat ata ng sikreto ko sa buhay siya lang ang nakakaalam. Wala naman akong balak itago ang mga pinaggagagawa ko pero no choice ako, e. Nahihiya kasi ako sa mga kaibigan ko. May tirahan naman ako pero hindi ko gusto roon. Kaya nga sa bahay ako ni Lorin nakikitira, e. Saka hindi rin naman nila gusto na nandoon ako.

Ang reason bakit ako nagba-babysit dahil isang beses lang ako binibigyan ni Papa ng allowance sa dalawang buwan. At hindi 'yon sapat para sa isa't kalahating buwan. Pero kahit kailan walang narinig na reklamo ang tatay ko mula sa 'kin. Hinahayaan ko nalang. Nabubuhay padin naman ako kahit kulang-kulang ang binibigay niya, e.

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal natutulog pero nagising ako dahil sa iyak ni Brent. Agad akong dumilat at pinuntahan siya sa crib.

"Gutom ka na ba, Brent? Shh, huwag ka na iyak. Nandito na si Ate Roa," sabi ko habang pinapatahan siya. Ang hirap talaga patahanin nitong batang 'to. Kapag si Tita naman ang may buhat sa kanya, tumitigil siya agad. 'Pag sa 'kin, ewan ko ba, parang ayaw sa 'kin.

Alas onse na ng gabi pero wala padin si Tita Emma. Doctor siya sa isang public hospital kaya feeling ko may emergency, dahilan kung bakit extended siya. Gagi, kailangan ko nang umuwi! Iniisip ko palang 'yung gagawin ko, naiiyak na 'ko.

Hinintay ko siya hanggang 2am hanggang sa nakatulog nalang ulit ako sa sofa. Pagkagising ko, tiningnan ko agad ang oras.

"Shit!" I exclaimed. 6am na!

Dali-dali akong tumayo at kinuha lahat ng libro at notes ko sa coffee table at wala sa ayos iyong nilagay lahat sa bag ko. In short, sabog ang mga gamit ko sa loob ng bag. Tumakbo agad ako sa kwarto ni Tita at nagpaalam.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon