20

6 1 0
                                    

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Ngayon lang ako dinapuan ng lakas ng loob magpakita kay Tita kaya sinamantala ko na.

Hindi ko alam ang schedule ni Tita Emma pero sakto ang punta ko ngayon dahil mukhang aalis na siya. Palakad-lakad si Brent at nang makita ako, malaking ngiti ang binigay niya sakin. Ngumiti ako pabalik.

"O, anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni Tita.

Gusto kong sabihin na nandito ako para magsorry pero bigla akong kinabahan so instead, I said, "Babantayan po sana si Brent."

"Ang haba naman ng exam mo?" aniya.

I creased my forehead. "Po?"

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya. Napakamot ako sa ulo. Ano bang sasabihin ko? Ang weird ni Tita Emma. Ngumiti siya bigla. "Nandito ka naman na, ikaw na ang magbantay kay Brent. Tatawagan ko nalang yung nagbabantay sa kanya."

Tumango ako. Nagpaalam na siya kay Brent at naglakad palabas pero bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto, tinawag ko siya.

"Tita, sorry po ulit," ani ko. Tumango siya at kumaway. Ngumiti ako mag-isa.

Buti okay na ako kay Tita. Si Tita Emma na nga lang ang natatakbuhan kong kapamilya magkakaproblema pa kami.

While watching, may bigla lang sumagi sa isip ko. Last night, minessaged ko si Erize na magbreak na kami. May tama ako no'n. Hindi ko alam ang nasa isip ko kagabi kaya nasabi ko 'yon.

Bakit ang hirap niyang pakawalan kahit nasasaktan padin ako?

Tulog si Brent kaya naisipan kong kumilos. Malinis naman ang bahay kaya magwawalis nalang ako sa tapat. Pagkalabas, kinuha ko agad ang walis tingting at nagsimula. Wala pa 'ko sa kalahating oras pero tumigil na 'ko.

Naglakad na 'ko pabalik nang mahinto ako dahil nagsalita siya.

"Kausapin mo 'ko. Huwag mo naman akong iwasan," aniya, nakadungaw sa gate. Nakita ko na siya kanina sa peripheral vision ko kaya ako nagbalak na tumigil sa ginagawa ko para pumasok sa loob.

I heaved a sigh before clenching my fist. Humarap ako sa kanya.

"Ibibigay mo na ba yung sure or okay mong sagot ngayon? Dalian mo, marami pa kasi akong ginagawa," sabi ko.

Mabilis na kumunot ang noo niya. Naguguluhan siya sa sinasabi ko ngayon.

"Minessage kita kagabi. Anong reply mo?" tanong ko, nakataas ang kilay.

Nanghihina ako kapag naaalala ko ang sinabi ko sa kanya. Gusto ko na matapos 'to pero kinakabahan ako na magiging sagot niya ay okay, fine, sure.

"We're not breaking up, you heard me?" he said.

"Bakit? Hindi ba sapat si Coleen? Gusto mo dalawa?"

"What? Ganyan ba tingin mo sakin? May girlfriend ako tapos papatol ako sa iba?" tanong niya na halatang nasasaktan.

"Ayoko na ng mga explanation mo, Erize. Ang tagal kong nagtiis. Ngayon puno na 'ko. Punung-puno na."

"Hindi mo talaga ako papakinggan? Hindi naman kita niloloko. Bakit kita lolokohin?"

"Exactly! Bakit mo nga 'ko lolokohin?" I said sarcastically.

He sighed in defeat. "Hey, I'm really sorry. I don't care kung hindi mo 'ko patawarin but please... babe... don't break up with me, hmm? I'll do everything, I swear to God. Just don't leave me. Mahal kita, e."

Nawala ang inis ko sa mukha, napalitan iyon nang awa. Mali 'to. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganyan niya.

Minsan ayoko na maging ako. Ang hirap maging ako. Kahit ako, ayaw ko na sa sarili ko.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon