19

2 1 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Magshishift ba talaga ako? Pero ito yung pangarap ko. Pero mukhang hindi talaga ako para rito. Kahit anong pilit kong mag-aral, ito lang ang kaya ko.

Hindi nila ako kinakausap dahil alam nilang hindi ako nakapasa sa passing score para makapagproceed sa 3rd year. Kanina ko pa gustong umuwi dahil magluluksa ako sa kwarto. Bakit ganon, ginawa ko naman lahat ng kaya ko?

"Gusto mo kausapin ko yung prof para magretake ka? I'm not sure if pwede 'yon pero why not try? Malay mo diba bigyan ka ng chance," basag ni Mat sa katahimikan.

Umiling ako. "Huwag na."

"Hindi ka naman namatayan, Roa. Bawi ka nalang," ani Kira. Mabilis ko siyang tiningnan sa mata.

"Jinujudge mo ba 'ko?" tanong ko, naiinis.

"Ha? Ako?" taka niya.

"Hindi mo alam yung nararamdaman ko ngayon kasi matalino ka, Kira. Kahit hindi ka mag-aral, pumapasa ka. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin yung isang taon. Sorry, ha, bobo ako," sabi ko.

Kumunot ang noo niya sabay hawak sa dibdib. "Kasalanan ko bang nakakapasa ako? Bakit parang sinisisi mo sakin yung pagbagsak mo?"

"See? Insensitive ka na minsan. Namomroblema ako ngayon sa grades ko tapos ganyan ka pa magsalita," huling sabi ko bago tumayo at umalis doon. Wala akong oras makipag-away dahil ayoko rin mangyari 'yon.

Palakad-lakad lang ako sa campus ngayon. Sumagi bigla sa isip ko yung sinabi ni Mat kanina. What if pakiusapan ko nga yung prof ko roon para bigyan ako ng chance? Hindi kami ganon ka-okay ni Papa ngayon kaya ayokong ihatid sa kanya yung balitang bagsak ako. na nadagdagan na naman ako ng another year sa pag-aaral. Baka paghiwalayin niya kami ni Erize dahil iisipin niyang distraction lang siya. na siya yung dahilan. Well, in fact, nasakin naman talaga ang problema.

Umupo muna 'ko sa bench malapit sa lobby ng school. Ayoko na sanang magpakain sa lungkot pero kapag naiisip ko kasing maiiwan ako, hindi ko maiwasang hindi maluha. Kailan ko ba malalamangan si Jairin?

"You okay? Of course you're not," tanong niya na sinagot niya rin. Umupo siya sa tabi ko pero hindi siya nakatingin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, nagpupunas ng luha.

"My friend's mourning because of her grades, that's why I'm here," he said.

"Luh, umalis ka na rito. Pagtatawanan mo lang naman ako," taboy ko.

"You know what, she really is insensitive," he said. I creased my forehead. Hindi ko alam ang sinasabi niya pero mabilis ko rin namang nakuha.

"Ah.. Hindi naman. Ganon lang talaga magsalita 'yon. Nasabi ko lang 'yon kasi wala talaga 'ko sa mood," sabi ko. Oo, tama. Wala lang ako sa mood.

"Let's go," aniya sabay tayo at hawak sa pupulsuhan ko. Tumingin lang ako sa kanya, nagtataka ang mukha. "Kakausapin natin yung prof."

"Baliw, hindi na. Tanggap ko na 'yon," sabi ko sabay ngiti. He sighed, not letting go of my hands.

"Tanggap pero umiiyak padin?" aniya. Tumingin ako sa kanya at doon na ulit tumulo ang luha ko. Binawi ko ang kamay ko saka nagtakip ng mukha. Umupo ulit siya sa tabi ko.

"Umiiyak ako kasi ikukumpara na naman ako sa kapatid ko. Siya nalang lagi yung magaling," wika ko.

"Then, don't mind him. Just because he's comparing you to your sister doesn't mean hindi ka na magaling. Sige, magaling ka nga, pero siguro nga medyo mas angat yung kapatid mo. Pero hindi mo kailangan dibdibin 'yon kung may tiwala ka sa sarili mo at itatatak mo sa isip mo na mas better ka sa kanya," aniya, seryoso.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon