14

4 1 1
                                    

"Teka lang naman! Kumalma ka! Kitang traffic, e!"

Grabe talaga 'to si Kira. Porket iniwan ng jowa, naging mainitin na ang ulo. Para siyang menopause, taena. Binaba ko na ang tawag dahil puro rant lang siya. Malayo pa 'ko kaunti sa University pero bumaba na 'ko ng jeep para makapaglakad. Ngayon kasi ang enrollment at kanina pa nandoon si Kira sa school. Sige na, ako na 'tong walang sasakyan.

Mabuti at nakarating din ako. Kinse minuto yata akong naglakad! Grabe talaga. Dumiretso agad ako sa kung saan mag-eenroll. Ayon, nakita ko si Kira na nakaupo sa bench kaya agad akong lumapit.

"Tara na," sabi ko agad.

"Wow. Dadating ka pa pala," pamimilosopo niya. Pagdating talaga sa babaeng 'to ang bilis kong mapikon! Ang init ng dugo niya sakin.

Sandali lang kaming pumila, at pagkatapos enrolled na kami sa eskuwelahang ito. OMG! Mag-aaral na ako sa isa sa gusto kong pasukang University! Natupad talaga ang gusto ko. Sobrang thankful ako kay Papa dahil pumayag siya at hinayaan ako sa gusto ko. Tama nga si Erize noon. Hindi magagawa ni Papa na hindi ako pag-aralin. Bakit ko nga ba naisip na kayang gawin ni Papa 'yon?

"May lakad ka pa?" tanong ni Kira.

"Wala na yata," sagot ko. Pero saktong pagsabi ko no'n, tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ang tawag ni Erize. "Hi," bungad ko.

Erize: where are you?

"Nag-enroll sa school na papasukan ko, why?" I asked.

Erize: don't leave there. I'm on my way.

"Ha? Okay. Take care."

Erize: I will.

Aalis kami? Saan na naman pupunta? Sulit na sulit na kaya ang bakasyon ko dahil lagi kaming magkasama. Pati pag-aalaga ko kay Brent kailangan nandoon din siya. Napapadalas na rin ako sa bahay nila at konti nalang, magiging feel at home na ako. Pakasalan nalang kaya niya 'ko.

"Dala mo ba kotse mo?" I asked her.

"Yes. Why? Siyempre isasabay kita," sabi niya.

Umiling ako. "Susunduin ako ni Erize. Akala ko wala kang dala. Isasabay sana kita, e," sabi ko.

"May date? Sige, una na 'ko," paalam niya. Bumeso na 'ko at naglakad na siya papunta sa parking.

Nandito ako sa lobby ng school. Dito nalang ako maghihintay. Kapag nandiyan na siya sa labas, saka ako lalabas. Ang usok sa labas, e. Ang baho ko na nga, babaho pa lalo.

Hindi naman matagal ang paghihintay ko at nakareceive na 'ko ng text mula sa kanya. Tumayo na ako at lumabas para puntahan si Erize. Nang makita ko ang kotse niya, agad akong sumakay para makaalis na. Bawal kasing magpark sa gilid, e. Batas pa naman ang isang ito.

"Isipin mo, ganito ako everyday. Ang hassle!" reklamo ko. God, papasok ako tapos ganito ka-traffic lagi? Tapos yung mga usok pa ng mga vehicles nakakamatay. Parang ayoko na bigla rito mag-aral. Pasado naman ako sa ibang University na mas maayos yung labas. Mas pinili ko kasing sumama kay Kira. Hindi ko naman kasi alam na ganito! Wala akong problema sa mismong school. Yung lugar lang pagkalabas mo. That's all.

"Hatid-sundo kita everyday," he said, smiling.

"We have different schedule for sure," I said. "Wait, ano palang kukunin mo?"

He shrugged. "Gusto kong magdoctor pero ang tagal. I wanna marry you at the age of twenty-eight or twenty-nine but... Wala pa 'kong trabaho no'n," he said, serious.

I bit my lower lip to stifle a smile. Grabe siya! Wala pa nga sa isip ko na pakasalan siya pero ayun na pala ang nasa isip niya. Hindi ba masyado siyang advance? Gago, isang buwan palang kami! Patagalin niya muna.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon