29

3 1 0
                                    

Malapit na siyang umalis. Alam ko malapit na pero hindi ko alam kung ilan ang saktong araw na natitira. Ayoko kasing bilangin dahil nalulungkot lang ako.

Hindi ko pa alam kung ano ang desisyon niya tungkol doon sa offer. Feeling ko gusto niya rin talagang manatili sa New York. Kasi in the first place, hindi naman niya tatanggapin ang offer kung ayaw o wala naman siyang balak magstay roon. Hanggang ngayon kasi wala padin sa isip ko ang sumama sa kanya.

Basta ang alam ko lang, mananatili ako rito sa Pilipinas.

Alam na ng mga kaibigan ko na binalikan ko na si Erize. Actually, hindi ko alam kung kami na ba ulit dahil sa sinabi ko last week o assuming palang ako. Preggy na kasi si Akira kaya shinare ko na rin ang love life ko kahit wala pa naman talaga. Siyempre nasabihan nanaman akong marupok. Hindi ko naman maitanggi.

"Kailan ka ba ikakasal?" tanong ni Daph kay Kira.

"Kalma ka lang, Daph."

"Excited na kasi ako! Bawal ba maexcite?"

"Ikaw ba ikakasal?" masungit na saad ni Kira.

"Itong katabi ko ang tanungin niyo kung kailan ang kasalan," singit ni Lorin sabay siko sakin. Tamo, si Kira ang usapan tapos biglang ililipat sakin.

"Nananahimik ako rito," sabi ko sabay higop sa inumin ko.

Nandito kami ngayon sa Starbucks dito lang sa Lizra. Malaki na ang tiyan ni Lorin pero pumunta padin siya rito kahit pinagbabawalan siya ni Trevor. Hindi nga alam ni Vor ngayon na nandito ang asawa niya, e.

Buntis yung dalawa kong kasama tapos yung isa, kasama yung anak. Ako nalang ang wala sa'min pero hindi naman ako nape-pressure. Anak lang pala, e. Baka maunahan ko pa silang malamangan.

"Tita Roa, sabi ni Mommy puro laro ka lang daw sa phone nung nag-aaral pa kayo. Is it true?" Nataniell said out of nowhere. Tumawa yung dalawa.

Tumingin ako kay Daphne. "Ito, imbes na turuan magbilang yung anak, nagku-kwento ng mga walang kwentang bagay."

Tumawa siya. "Hoy! Matalino 'tong baby boy ko! Anak, count from 1 to 1 million ka nga."

Malakas na tumawa si Lorin.

"Mommy?!" Nataniell reacted.

"Alam mo, Jose Ronatoㅡ"

"Baliw!" Kira cut me off, laughing.

"Biro lang. Alam mo, Nate, kahit naglalaro ako dati, nag-aaral naman akong mabuti," sabi ko na parang matinong Tita-Ninang.

"Weh? Mas mataas nga grades ko sayo," ani Daphne.

"Nauna naman akong grumaduate," pakikipagtalo ko.

Wala siyang nasabi at tumawa nalang.

Average student lang naman talaga ako dati. Matalino yung mga kaibigan ko lalo na 'tong tatlong babae. Pero buti nga matalino sila at mabait kaya nakagraduate din ako on time. Laking advantage kapag may matalino kang friends though hindi kayo magkakaklase at magkakapareho ng course noon.

Nanahimik na kami dahil wala na kaming mapag-usapan. I was busy drinking my coffee when my phone vibrated kaya kinuha ko 'yon mula sa mesa.

A message from Trevor.

From: Trevor

Roa, naco-contact mo ba si Lor? Hindi kasi sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala na 'ko. Please reply asap.

Pagkabasa ko no'n, napatingin ako kay Lorin na busy magscroll sa Instagram. I cleared my throat bago nagsalita.

"Siraulo ka talaga. Nag-aalala na yung tao sayo! Bakit kasi hindi mo sinasagot?" sabi ko sa katabi kong si Lorin na napatingin sakin nang magsalita ako.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon