12

7 1 0
                                    

"Malapit na po ba?"

Nasa salon ako ngayon. Nagpapabawas ako ng buhok. Hanggang dibdib ko nalang ngayon ang length.

"Ayan! Tapos na," sabi nung bakla. Tumayo na 'ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Ayan, mas better! Ang gaan na sa pakiramdam.

Nagbayad na 'ko at bumalik sa bahay. Nakaligo naman na ako kaya bihis nalang ang ginawa ko. Nagpalit lang ako ng white jeans at dark brown racerback. Nagdoll shoes nalang ako dahil ang sakit ng paa ko dahil sa heels kahapon. Nagmakeup lang ako sandali bago natapos.

"Roa, nasa labas na yata yung jowa mo," rinig kong sabi ni Lorin mula sa labas. Kilala na niya si Erize. Actually, lahat ng kaibigan ko.

Tumakbo na 'ko pababa para puntahan si Erize sa labas. Pumunta ako sa kabilang side para sumakay sa front seat.

"Ay, ang gwapo naman!" bungad ko. Nakaayos ang buhok niya ngayon tapos yung suot niya longsleeves polo na pula.

"So, tayo na ba?" tanong niya, nakangiti.

"Hindi pa!"

Isang buwan na yata siyang nanliligaw sakin. Sa loob ng isang buwan, medyo nakakaya ko nang kontrolin ang kilig ko sa mga ginagawa niya.

"Your hair...."

Napahawak ako sa buhok kong bagong gupit. Nginitian ko siya. "Bagay ba? Kung hindi, ididikit ko nalang ulit yung buhok kong ginupit," biro ko. Natawa naman siya.

"No, I like it. It suits you," he complimented.

"Bawal ma-inlove," biro ko ulit, binelatan ko siya.

"Too late," he said before smirking.

Mabilis na nagdrive si Erize papunta sa hindi ko alam. Sa iba gaganapin ang Graduation nila, e. Masyado yatang maraming students ang WMC kaya hindi kaya sa school ganapin. Nang makarating, nagpark na agad si Erize.

"Let's go. They're waiting inside," sabi niya sabay ngiti.

Tabi kaming naglakad papasok nang hawakan niya ang kanang kamay ko. Tiningnan ko siya at nginitian lang ako. Gusto ko sanang alisin kaya lang malandi rin ako.

"Mom," tawag niya sa babaeng nakatalikod. Humarap ito ngayon. Si Tita Madrin nga.

"O, andito na pala kayo," sabi niya, nakangiti. "Hello, hija!"

Nakipagbeso ako. "Hello po, Tita!"

"Hi, sister-in-law," bati nung Kuya ni Erize sakin. Nag-init naman ang mukha ko.

Hala, ngayon ko lang nakita yung baby! Siya yung anak nina Kuya David at Ate Zoey. Ang cute! Babae pala.

Sumama ako kay Ate Zoey dahil iba ang pwesto namin. Si Kuya David naman ang kasama ni Tita sa upuan ng mga parents. Hindi ko alam kung nasaan yung Father ni Erize. Hindi ko alam kung hiwalay o abroad o wala na. Hindi ko pa natatanong.

Nagsimula na kanina pa ang program. Ang lamig pala rito. Nakasleeveless pa man din ako. Si Erize naman hindi ako sinabihan.

"Kayo na ba ni Erize?" tanong bigla ni Ate Zoey, nakangiti. Nahiya ako bigla. Bakit naman kasi bigla siyang magtatanong ng ganon?

"Hindi pa po." Marahan akong tumawa.

"Weh, pero may holding hands na kanina," pang-aasar niya. Nakakatawa talaga si Ate Zoey. Bagets pa siya. Pero mukha ngang bata pa siya.

"Ilang taon ka na pala, Ate Zoey?" tanong ko dahil sa curiosity ko.

"What do you think? Dali, hulaan mo," excited niyang sabi. Halatang bored kami ngayon. May mga students ng umaakyat sa stage pero mga STEM palang iyon kaya nag-uusap muna kami ni Ate Zoey. Baka matagal pa si Erize, e.

Happy Nights: The Next SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon