"There is no friendship, no love, like that of a parent for their child." - Henry Ward Beecher
To my anak-anak-an;
Hello nak!
Siguro kung nababasa mo 'to ngayon either naka deploy na ko sa labas ng university or baka wala na ako sa university. Pero sinusulat ko to na 4th year student pa ako.
Gusto ko lang mag pa-salamat sayo kase kahit na maikling panahon pa lang alam kong isa ka sa mga taong mag-s-stay. Salamat kase isa ka sa mga taong nagbigay nang lakas nung mga panahong gustong-gusto ko ng sumuko. Salamat kase isa ka sa mga taong naging constant ko during my collegiate journey sa university.
Alam kong naiintidihan mo din ako. Alam mo naman life testimony ko ih. Pero may mga silent battles pa din ako na never kong sinabi sa kahit na sino. Mga silent battles na pinipilit kong labanan mag-isa kase kailangan, alam kong hindi naman habang panahon kasama ko kayo. Mga silent battles na from time to time na ti-trigger kaya nakikita nyo ko minsan na tulala lang. Ayoko magsabi kase ayoko malaman nyo. Ayokong mag-iba yung tingin at pakiki-tungo nyo sakin. Kaya ko sinasabi ngayon 'to sayo sa unsent letter na 'to kase alam kong may idea ka na.
Ang hirap din pala talaga. Kahit na gusto kong kalimutan yung mga salitang binitawan sakin, hindi ko magawa kase nadagdagan yung nakaimbak na mga salita na binitiwan sakin ever since.
Sorry kase sumagi din sa isip ko na iwasan kayo. Na baka mas okay na humiwalay at lumayo sa inyo para wala na lang masabi. Tutal wala naman na ako sa org na yan. May mga nagawa sakin na mahirap tanggapin pero nilunok ko na lang lahat. Sorry nag ra-rant nanaman ako sayo.
I hope maging okay yung term nyo. Wag mo kakalimutan lahat ng naituro ko sayo kung meron man. Mahirap yung proseso pero alam ko naman kaya mo yan. Nakakapagod, oo. Pwede naman magpahinga ih, tapos magpatuloy ka ulit. Wag mo sukuan kung gusto mo naman talaga. Tandaan mo din na kaya mo yan ginagawa kase gusto mo. Para may patunayan ka sa sarili mo, hindi para sa iba.
Sana din maging okay ka na. I-clear mo yung mga dapat na i-clear sa mga tao sa paligid mo. Mahirap maipit sa mga bagay na hindi ka naman dapat nandun. Choose your friends and circle wisely.
I hope maging successful ang term nyo as officers ng academic org at marami kayong magawa sa termino bilang officers. Wag kayong gumaya sa term namin na wala namang projects at programs na nagawa, puro problema lang ang naiduluot. Praying for you and the rest of your slate. After elections and oath-taking, mag leave na din ako sa group chat nyo. Di na ako makikielam sa kahit anong desisyon na gagawin nyo dahil tapos naman na ang term ko at may bago na akong org na dapat asikasuhin.
If need mo or ninyo ni Aron yung help and guidance ko, alam nyo naman na yun. Chat or tawag lang kayo sakin.
xoxo,
Your Nanay-nanay-an
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
RandomOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...