"Siblings by chance. Friends by choice." - Unknown
Kuya Byron;
Hello 'ya!
I hope you could read this letter. Pero alam kong hindi mo to mababasa kase ni magkausap nga hindi mangyare.
I just wanna say I wish I could be with you before that day arrived. Pero mukhang negative pa din kase wala naman akong makuhang reply sayo.
I tried to reach out today. I messaged you and asked if free ka sa 28. Kahit hindi sigurado, nag baka sakali ako. Pero sa tawag mo pa pang sakin iba na sa tawag mo talaga sakin. May codes ako sa tawag mo sakin kaya alam ko kung ikaw ba talaga yun or hindi. I tried to ask pero ang sagot mo lang sakin ay bakit? I explained na nasa MOA ako sa 28 at baka pwede ka. Alam kong alam mo yung ibig kong sabihin. Pero hindi ko alam bakit seen lang ako.
Gusto lang naman kitang makasama ulit kahit isang araw lang after ilang years. Gusto ko lang din sana na makasama ka pagpunta sa puntod ng tito Boyong sa sementeryo sa Pasay kung saan nakalibing sila Daddy, Tita Tessy at Tito Boyong. Para kahit isang beses man lang sa loob ng ilang taon, makita ng Tito na magkasama na ulit tayo. Pero mukhang impossible mangyare.
Nangako ka sakin bago pa ko pumunta ng Cebu. Wala naman natupad sa pangako ih. You just reminded me again that "promises are mean to be broken" and that "promises are half lies".
Sawang sawa na ako umasa na makakasama kita kahit isang araw lang, oras nga lang ih. Alam mong ever since, nag long ako sa older brother figure. Ikaw yung tumayong older brother ko ih. Kaya ang hirap tanggapin na hirap na hirap ako kausapin ka ngayon.
'Ya, wala ka nung 18th ko. Kase nasa province ka, di ka makakaluwas. Naintindihan ko yun. Wala ka ng 21st ko. Yun yung dapat magkikita din tayo pero di ko alam bakit di natuloy. Hanggang sa kung anong katarantaduhan yung ginawa mo at di na tayo nagkausap talaga. Pero 'ya, okay na tayo ih. Di ba? Pati ba naman sa 25th ko, wala ka din?
Sawa na din ako mangulit. Sawa na akong ipilit yung sarili ko sa iba. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Sanay naman na ako.
Sana yang kinakasama mo ngayon, sya na yung last. Sana mag settle ka na din. Nag tatampo ko sayo kase di mo din pinakilala yang bago mo, na dati naman bago pa lang sinasabi mo na sakin. Pero nandyan na ih. Learn from your mistakes. Magtino ka na.
Namiss ko lang din talaga siguro yung kuya kong isang chat lang, alam na agad kung bakit. Ayun nga, change is the only permanent in this world, kaya kailangan ko na din talga mag adjust.
Bahala na kung ano mangyare sa 28-31.
xoxo,
Thea
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
RandomOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...