33

11 0 0
                                    

"Students don't care how much you know until they know how much you care." - John C. Maxwell

To My CSS ABISians;

Hello mga nak!

Argon, kayo ang unang klase ko sa bawat araw na nagtuturo ako. Kayo ang naging trial and error ko sa pagtuturo. Sobrang kabado ko kase kayo yung unang klase ko. Gusto ko din mag thank you sa inyo sa tulong ninyo and sa pag participate sa mga activities pag may klase. Thank you dahil tinulungan nyo ako during my micro-teaching. Maraming salamat sa mga messages na sinulat ninyo sa card na binigay ko. Sinasabi nila na section one kayo, oo at alam kong deserve nyo yun. 

Chromium, hello mga bata. Kayo yung klase na kaunti lang lagi pero first day pa lang ng turo ko ang active nyo na. Nakakatuwa kayong i handle kase sobrang nag pa-participate kayo. 

Lithum, kayo yung klase na pinaka marami. Medyo na challenge ako na i-handle kayo kase ang dami nyo. Iba-iba din yung personalities nyo. Makukulit kayo pero nakakatuwa din pag nag pa-participate kayo sa klase. 

Copper, hindi ko man kayo na turuan dahil tatlong section lang ang binigay sakin, nakapag bantay naman ako sa inyo nung may meeting si Ma'am San Pedro. Nakakatuwa kayo kase kahit na kaunti lang kayo, napaka sipag nyo pumasok. Salamat dahil tinanggap nyo ako as your Student Teacher. 

Platinum, ang advisory class ng RT ko. Kayo yung unang klase na ipinakilala sakin nung first day ko dahil periodic exam nyo. Hindi man kayo binigay sa akin para maturuan, pero nag papa-salamat pa din ako kase nagkaroon ako ng chance na mabantayan kayo. Nakakatuwa kayo kase sobrang active nyo sa klase ng TLE. Sorry hindi pa nakapag bigay ng simple gift si Ma'am Zoe sa inyo. Pero sa Friday, dadalaw ako sa inyo. Simple gift lang yung maibibigay ni Ma'am sa inyo dahil medyo tight yung budget natin pero sana ma appreciate nyo. 

Argon, Chromium, Lithum, Copper and Paltinum, maraming maraming salamat sa tiwala nyo sa akin bilang student teacher ninyo. Salamat dahil tinanggap nyo ako as your teacher. Maikling panahon man yung pinagsamahan natin, pero sobrang laking impact yung ibinigay nyo sa journey ko. Salamat sa memories. Hinding hindi ko kayo malilimutan dahil kayo yung mga naging unang students ko, officially. Mag aral kayong mabuti. Galingan nyo at pagpapala para inyo palagi. 

Wag kayong mag alala, da-dalaw pa din naman si Ma'am sa inyo. Mahal at mami-miss ko kayo. Nawa'y mag kita pa tayo sa ibang araw. Sana may natutunan kayo sakin kahit saglit lang tayo nag kasama. 

xoxo,

Ma'am Zoe

Silent Soliloquies: Inked UntouchedWhere stories live. Discover now