"The best teachers are the ones who not only teach, but also inspire and empower their students."
Ma'am Autencio;
Nakakabigla po yung balita sa amin na wala ka na po. Parang kailan lang po nagkausap pa po tayo sa loob ng campus nung dumalaw ka po kay Ma'am Ruby. Nag mano pa po ako sayo tulad ng nakasanayan namin. Tapos tinanung mo pa po ako kung ga-graduate na ako. Ma'am, eto na po, ga-graduate na yung isa sa mga anak mo sa Tourmaline. Nakakalungkot po na hindi mo na kami makikitang naka togang itim sa graduation picture at naka sablay sa pagkuha namin ng diploma.
Ma'am, lubos po akong nag papasalamat sa walang sawang pag gabay mo po sa akin. Salamat po sa suporta at tiwalang ibinigay mo mula noon hanggang sa mag college po ako. Salamat po kase isa ka sa mga naging adviser ko nung high school na masasabi kong naging magulang ko talaga. Ikaw po yung nandun nung mga panahong hinang-hina ako. Yung mga panahong sobrang down ko sa pagkamatay ng lolo ko (bago mag start ang classes nung 2nd year high school) at ng mamatay po ang lola ko (December 2012). Kayo po nila Sir Noel at Ma'am Ruby ang umalalay po sakin nung mga panahong yun kaya hinding hindi ko po yun malilimutan.
Salamat din po kase binuksan nyo po ang science laboratory para sa amin. Pinatuloy nyo po kami sa kwartong tinutuluyan nyo nung mga panahong nagtuturo po kayo.
Salamat po sa lahat ng pangaral at pag gabay na patuloy ko pong babaunin hanggang sa magturo ako sa kung saan man.
Mami-miss ko yung mga pangaral, asaran at kwentuhan po natin. Wala na akong pupuntahan at dadalawin sa 2nd floor para lang makipag kwentuhan. Wala nang magtatanung sakin ng mga tanong mag papa realize sakin tungkol sa tunay na tatahakin ko sa mundo.
Ma'am, eto na po, ga-graduate na po yung isang anak mo sa Tourmaline. Nawala man po yung latin honor ko, ga-graduate po ako ng buhay. Sana proud ka po sa akin/amin. Mamimiss ka po namin ng sobra. 😭
xoxo,
Thea
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
RandomOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...