"Seventy percent of success in life is showing up." - Woody Allen
Guill,
Hello nak.
Sinusulat ko tong letter na to after mo ko sabihan na matulog na pero gising na gising diwa ko kaya why not make it productive? Hahahaha.
Pero seryoso na. I just wanna say thank you kase isa ka sa mga freshies na naging ka close ko at naging anak-anakan ko. Isa ka sa mga youths na nakakaalam ng life testimony ko. And I hope may makuha kang lesson or inspiration sa kung ano man yung pinagdaanan at shinare ko sayo. Saglit na panahon pa lang tayo nagkasama pero parang antagal na kitang kilala. Thank you kase isa ka sa mga naging lakas ko sa mga panahong down na down ako. I can consider you as one of my constant during my collegiate journey sa university kaya salamat, nak.
Yung sa inyo ni Faith, tulad nga ng sabi ko sayo walang kaso sakin yun. Parang anak ko na din naman si Faith. I'm just here to remind you na bago ka mag bitaw ng salita or gumawa ng desisyon, pag isipan mo muna maigi. Nakaka touch kase nagpaalam pa kayo sakin. No need to be worried na kase di naman ako galit, inaantay ko lang din naman na magsabi kayo. Tulad nga ng bilin ko sayo, mas okay na legal kayo sa bio family nyo as much as possible.
Kaya pala ang clingy mo nung Friday, may gusto ka palang ipaalam at sabihin. Sorry na nak, super stressed ang nanay dahil sa issue na yun. And want ko din mag pasalamat sa inyo ni bunso for what you did nung concert.
Linawin mo lang din kay Kyle na hanggang tropa lang talaga kayo. And you should know how to set boundaries. Alam kong close kayo pero dapat alam mo din yung limitations ng actions mo para hindi ka ma-misinterpret ng iba.
Yung sa org, ituloy mo kung ano man nasimulan mo. Nandyan ka na, ipagpatuloy mo na. If may di ka maintindihan o naguguluhan ka, pwedeng magtanong. Wag mag overthink ng malala, napaghahalataan talagang anak kita. Hahahaha. Kidding aside, may tiwala ako sayo at alam kong kaya mo. Wag mo gawin para may mapatunayan ka sa iba, gawin mo para may mapatunayan ka sa sarili mo. Pero lagi mo ring tatandaan na ang pagiging student-leader, may mga sacrifices ka na need mong gawin. Laging itatak sa isip at puso na "Sila muna bago ang sarili", "Bayan muna bago Sarili.". Know your priorities din, family and acads muna bago ang org. At magpahinga at maaga ka umuwi, tutang na labas. Wag ka na magala kung saan-saan.
Ide-deploy na ako sa labas, di nyo na ako makakasama madalas ni bunso. Kaya magbibilin ako sayo. Ikaw ang kuya kaya ikaw ang gumabay, umintindi at umalalay sa kapatid mo. Lam mo naman pinagdadaanan nyan. Ita-try ko makadalaw sa inyo if kaya ng schedule ko at tugma sa schedule nyo.
Siguro binabasa mo to either deployed na ako or ide-deploy pa lang dahil katatapos lang ng Pinning Ceremony. Dito lang lagi ang nanay para sa inyo. If need nyo ko or want nyo kausap, chat lang kayo sakin. Or tawag ka lang sakin, lam mo naman contacts ko.
xoxo,
Zeyah
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
RandomOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...