"Keep moving forward, new doors, and doing new things.. your curiosity will lead you down the path of success." -Walt Disney
To my RTU LS Juniors;
Hello mga 'nak. I would like to take this opportunity to thank each and everyone of you for welcoming me as your new Pre-Service Teacher in Computer. I know that I may be strict in class but know that all I wanted was for you to learn.
Grade 9 - Maawain, ang mga masisipag at masigasig kong mga students. Even though kayo yung section 1 sa year level ninyo, you all stayed grounded and humble. Kayo yung isa sa mga mas napalapit sakin dahil kayo yung mga students na pumupunta sa faculty para kay Ma'am Lojo. I can still remember that one time na bumaba kayo sa faculty at hinanap si Ma'am, pero ako yung nandun. Then Francheska and Gaby asked me if ako na ba nagiging PST nyo. Hindi ko masagot that time kase wala pang final decision na binigay. Nakaka tuwang matunghayan kung gaano kaganda yung samahan na nabuo sa klase ninyo. Nakakatuwang makita kung paano nyo suportahan ang isa't isa. Madalas man kayo ng nasesermunan ng iba, still, you repent on that.
Grade 9 - Matulungin, ang mga madalas kong sermunan. Sorry kung sa tingin nyo laging galit sa inyo si Ma'am Zoe. Tandaan nyo na yung mga sermon at pagsita na yun ay para din sa kapakanan ninyo. Salamat kase kahit na siesta time yung oras ng klase natin ay sinisikap nyo pa din mag participate sa klase. Naiintindihan ni Ma'am na baka pagod talaga kayo sa dami ng gawain kaya may mga oras na tulog ang iilan sa inyo pag may klase. Kahit paano ay tumaas ang grado ninyo sa Computer. Nawa'y may natutunan ko sa lahat ng tinuro ko sa inyo.
Grade 9 - Magiting, mga students na tunay ngang magigiting. Nakita at natunghayan ko kung paano nyo pinatunayan yung sarili nyo sa iba. Isinabuhay nyo yung katangian na ayon sa section ninyo. Natutuwa si Ma'am na makita kayong umaangat di lang sa akademya kundi pati sa isports. Nakita ko kung gaano kayo magtrabaho para maabot yung mga pangarap nyo kaya ngayon pa lang, congrats agad. Gusto ko din magpasalamat sa inyo sa tulong na ibinigay nyo sa akin nung final demo ko. Hindi man naging smooth tulad ng inaasahan natin. Siguro na overwhelm kayo na nakagamit ulit tayo ng computer lab at naramdaman nyo din yung kabang nararamdaman ko that day. Ngunit alam ko na ginawa nyo yung best nyo. Pasado sa Final Demo, mga 'nak! Maraming salamat.
Formally, na pull out na kami sa pagkaka deploy bilang Pre-Service Teachers ninyo. Pero makikita nyo pa din naman kami sa campus. Nakakalungkot lang na hindi man lang ako nakapag paalam sa inyo ng personal dahil nag shift tayo sa online class. Hindi ko rin na meet ang Magiting at Matulungin nung Lunes dahil sa mga tinatapos na gawain. Kaya sana magkaroon ng opportunity si Ma'am na makapagpaalam sa inyo sa Periodical Exam ninyo.
I hope may mga napulot kayong aral sa mga naituro at naibahagi ko sa inyo. Pagbati sa inyo. Patuloy pang galingan.
xoxo,
Ma'am Zoe
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
RandomOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...