"A good person leaves an inheritance for their children's children, but a sinner's wealth is stored up for the righteous." - Proverbs 13:22
Tatay;
Hello Tay. Kamusta ka po dyan? Kukumustahin pa din kita kahit na alam kong okay at masaya ka na dyan. No more pain tay.
Death anniversary mo nanaman. It has been 12 long years pero until now kabisado ko pa din yung eksatong oras at araw na dineclare ng doctor na wala ka na. May 30, 2012, Wednesday at exactly 8:28 in the morning.
Tay, alam ko pong alam mo kung gaano ako nahirapan nung nawala ka. Nawala yung takbuhan ko every time na wala akong mapagsabihan. Wala na akong kakampi, every time na napapagalitan or na sesermunan ako nila mama. Wala na yung tatay ko na sumusundo sakin kapag wala akong sundo. Wala na yung tatay ko na kaagaw ko sa remote ng tv para manuod ng serye samantalang ikaw para manuod ng karera. Tay ang daya mo ih. Iniwan mo kami agad. Ang daya mo kase nung panahong nawala ka, lahat sila dinalaw mo. Pero ako kahit isang beses, kahit sa panaginip, hindi.
Tay, wala po akong kahit isang graduation picture na kasama ka. Alam ko po na kasama ka pa namin nung grumaduate ako ng pre-school at elementary. Pero wala ka na po nung grumaduate ako ng high school. Kase kalagitnaan ng pag aaral ko noon nung nawala ka. Masakit po tay, kase isa ka sa mga walang sawang gumabay at sumuporta sakin. Pinipilit ko pong kayanin. Kahit na maraming salitang ibinabato, doubts and challenges, kinakaya po.
Tay, eto na po. Yung huling maria sa tres maria na apo mo, ga-graduate na. Dalawang taon sa PUP na nauwi sa bullying, anxiety and depression. Dalawang taon na pasubok na mag trabaho sa BPO. Isang taon sa bridging program para makabalik ulit sa pag aaral. Apat na taon na pag susumikap para maka graduate, eto na po tay. Alam ko pong pinapanuod mo ako mula dyan. Sorry po kase hindi talaga kinaya na may latin honor. Gustuhin ko man po, pero hindi po talaga kinaya ih. Ang mahal tay, ga-graduate po ako ng buhay. May education graduate ka na po. Lisensya na lang ang kulang. Sana proud ka po sakin.
Tay, sorry kase di ko nagagawa yung binilin mo sakin. Na ultimo sarili ko napapabayaan ko na din po. Sorry kase pati sarili ko di ko naalagaan . Tay, borderline anemic po ako sabi ng doctor. Recently, may hair loss din ako. Pinag iingat po ako lalo ni mama. Alam ko pong nasa bloodline po natin ang Leukemia/Cancer. And I've been researching about it. I know the symptoms and all. Ayoko pong isipin ng husto pero kailangan ko i ready yung sarili ko sa mga what ifs and maybes. It-tray ko po na alagaan pa ng mas maayos yung sarili ko.
Miss na kita, Tay. Sobra.
Mahal na mahal po kita. 🥺
xoxo,
Thea
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
AcakOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...