"Blood is always thicker than water."
Kuya TJ,
Lumaki ako na walang kapatid na lalaki. Pero dahil sayo at sa mga pinsan ko pang lalaki nagkaroon ako ng brother figure.
Noon, naging trio tayo (ako, ikaw at ang Ate Jiezel). Tayo yung madalas magkakasundo lalo na sa kalokohan. Tayo yung trio na dalawang panganay at isang bunso. Pero dahil pinalaki tayong makakasama, hindi na rin nalayo yung loob natin sa isa't isa.
Years have passed, may anak na ang ate Jiezel. Ikaw naman, napariwara. May mga panahong okay ka, meron din namang hindi. They even sent you to a psychiatric clinic to have you checked. And we haved also observed that you had your silent battles, episodes and triggers.
Ang bilis ng pangyayari kuya. Parang nung nakaraang linggo lang nangungulit ka pa sakin kung ano password ng wi-fi sa bahay. Tapos ngayon wala ka na. Nakakalungkot isipin na nabawasan nanaman yung pinsan ko. Nakakainis lang din na meron tayong kapitbahay na pulis na bida bida. We all knew that you departing from this world is due to natural death dahil may sakit ka naman talaga. How dare he call for SOCO team to be at you home to investigate and all. He had no right to do that at all.
Sayang kase uuwi si lola na wala ka na. Hindi ka na inabutan ni lola na buhay. Mag swimming pa sana tayo.
Kahit masakit kailangan naming tanggapin na iniwan mo na talaga tong mundong to. Wala ng kahit anong sakit. Magkakasama na kayo ni papa mo. Pahinga ka na.
Paalam kuya TJ.
xoxo,
Thea
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
RandomOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...