34

17 0 0
                                    

"There are friends, there is family, then there are friends that become family." - Unknown

To My CSS Babies;

Hello mga nak! Madalas naman tayong magkakasama pero isusulat ko pa din to. 

Ang bilis ng panahon, patapos na ang unang semester ng taon na to. Daming nangyare, may umalis at may bumalik. Saglit na panahon pero parang antagal na nating magkakasama. 

Aron, ikaw ang pinaka kuya. Alam kong marami tayong similarities lalo na sa mga koneksyon na meron tayo sa university. Yes, we have the rights to brag it if possible or if needed but always remember to stay grounded. Alam ko din na may mga iniinda ka sa katawan mo. So, please do take care of yourself. Wag mo abusuhin katawan mo. Uso pahinga nak. Know your limits. Isa pa, tigil-tigilan mo yang pag-iinum mo ng alak. Tigilan mo din yang kakahipak mo. Wala naman na akong alalahanin sayo pagdating sa acads kase alam ko naman na nahahandle mo ng maayos yun. Pagpatuloy mo lang yan. No pressure. 

Miks, nak, alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon. Maraming problema pero parte ng buhay yan. Hindi naman ibibigay ni Lord yan sayo kung alam nyang hindi mo kaya. If you need someone to talk to, nandito lang naman kami. Kung may di kayo pag kakaunawaan ni Aron, pag usapan nyong dalawa. Alam ko din na medyo hirap ka sa situation sa klase nyo, wag nyo na patulan yun. Bayaan nyo sila. Isa ka ding may iniinda sa health, take your meds on time. Mahabang proseso yan pero magiging worth it yan pag natapos. 

Kyle, minimize overthinking. Take care of yourself not just physically but mentally as well. Wag ka magpaka drain sa work load. Uso magpahinga nak. Wag mo gawin yung ginawa ko nung term ko, mahirap. Wag mong antayin na kusang bumigay yang katawan mo. Anu't ano man ang kalabasan ng termino nyo, alam kong ginawa mo yung best mo. Learn how to handle your time wisely, acads muna before org. 

Claud, alam kong hindi ka okay ngayon. Alam kong you are struggling mentally right now. And I just want to say na proud ako sayo kase ang brave mo. You are brave to admit na you are struggling mentally and for seeking help professionally. Hindi ko man alam totally yung whole story or yung real reason behind it pero alam kong hindi magiging madali tong proseso na to sayo. And I know with the help of professionals, you will be better. Just trust the process. Everything will be okay. 

Eula, learn how to handle your emotions. Isa ka pang dapat bilinan na wag mag overwork. Mag pahinga, uso yun. Wag abusihin ang katawan. Mag aral maigi, gawin ng maaga at on time ang activities na kailangan ipasa. Masanay na kayong ganyan karami ang work load sa acads. Wala naman na akong worry pagdating sayo kase alam ko naman na kaya mo, madiskarte ka naman. 

Shaun, I know na innate na sayo ang tumulong sa kapwa. Proud ako sayo kase ginagawa mo yung gusto mong gawin. Hindi biro na pagsabay-sabayin yung iba't ibang responsibilities sa buhay at alam kong kaya mong i-handle kung ano man yung situation na pinasok mo. Tulad ng lagi kong paalala sa inyong lahat, magpahinga kayo. Wag nyo abusihin yang katawan nyo. 

Yeng, ang bunso namin. Hahahahahaha. From reel to real? Sabi sayo ih. Hahahaha. Kidding aside, I know na alam mo naman kung ano yang pinasok nyong situation. Pero tulad ng bilin ko sa kuya mo, know how to handle things. Know how to say no and the limits. I know na alam mo naman yung responsibilities mo. Still learn how to balance things both academics and extra curricular activities. Magpahinga. 

Guill, ayan ah. Maraming nangyare at marami pang mangyayare. Tulad nga ng sabi ko sayo, inaantay ko lang na kausapin mo ako. Inaantay ko lang na mag approach ka sakin. Hindi ako galit sayo, alam mo yan. Nag tatampo, siguro? Pero ano bang magagawa ko, di ka naman nakikinig sakin. So, I let you decide and do what you wanted to. I gave you blessings. Pero sabi ko nga, things happens for a reason. Ang mga bagay sa buhay natin ay hindi natin totally controlled. Things happened because that was God's plan for you. Ang relasyon, hindi dapat minamadali. Kase ibibigay at ibibigay yan ni Lord sayo pag alam nyang kaya mo na at alam nyang nasa tamang tao at tamang panahon na. Love yourself first before you love someone else. And wag mo ubusin sa iba, magtira ka para sa sarili mo. If you think na hindi ka na nag grow sa relationship na meron ka, learn to end it and cut ties. Then reflect and repent. Madaling sabihin pero hindi madaling gawin, at kung gugustuhin mo, magagawa at magagawa mo yan. Learn how to balance things. Wag puro barkada, asikasuhin mo din yung acads mo. Tigil-tigilan mo din yan bisyo. May sakit ka na, bisyo pa inaatupag mo. 

Hindi madali ang collegiate life, pero kung may kasama at kasangga kayo, kahit paano gagaan yan. Kayo-kayo ang magsasama-sama ng ilang taon pa sa university, kaya magkasundo kayo. Hindi naman maiiwasan na magkaroon ng di pagkakaunawaan kaya matuto kayong mag-usap at mag pakumbaba. 

Baka extended ako ng isang taon, hindi pa sure dahil January pa defense namin. Pero hopefully, madepensahan na. Alam nyo naman na, if need ng kausap, isang chat lang naman ako. Keri nyo din naman tumawag. 

xoxo,

Nay Zeyah

Silent Soliloquies: Inked UntouchedWhere stories live. Discover now